Press "Enter" to skip to content

Lino Cayetano, Kumontra sa Pahayag ni Sen. Alan Cayetano Tungkol sa Repentance; Lacson, Pumabor

Nag-ugat ang diskusyon sa bagong vlog post ni Sen. Alan Peter Cayetano kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng repentance o pagsisisi bilang tugon sa mga pagkukulang ng bawat Pilipino. Ayon sa senador, “as a people, we’re all guilty … and what’s important is repentance.”

Ngunit hindi ito sinang-ayunan ng kanyang sariling kapatid na si dating Taguig Mayor Lino Cayetano. Para kay Lino, hindi dapat gawing normal ang katiwalian at maling gawi, at hindi sapat na idaan lamang sa pagsisisi ang lahat ng pagkakasala.

“Hindi likas ang magnakaw, bumili ng boto, magsinungaling … at hindi din solusyon at absolusyon ang pag-‘repent’ lamang,” giit ni Lino Cayetano.

Dagdag pa niya, dapat ipaglaban ang tama at kumilos upang sugpuin ang maling gawain, hindi lang umasa sa konsepto ng repentance.

Samantala, agad namang sumang-ayon si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa pahayag ni Lino. Ayon sa kanya, ang pagsisisi na walang kasamang aksyon ay hindi tunay na makapapawi ng katiwalian.

“Repentance, lalo na kung walang kasamang karampatang aksyon, ay hindi makapapawi ng korapsyon at ibang maling gawain,” ani Lacson.

Binanggit pa ng dating senador na maraming opisyal ang paulit-ulit na gumagawa ng mali, nagsisisi, at inuulit muli ang parehong kasalanan. Ang ganitong siklo aniya ay nakakasama lalo na sa mga ordinaryong mamamayan na apektado ng maling pamamahala.

Sa kabila ng pagkakaibang pananaw ng magkapatid na Cayetano, malinaw na ang isyu ng repentance at accountability ay nananatiling mahalagang usapin sa pulitika at pamamahala sa bansa.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading