The Hague — Isiniwalat ni Elizabeth Zimmerman, dating asawa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang umano’y kalagayan ng dating pinuno habang nakakulong sa The Hague. Ayon kay Zimmerman, kapansin-pansin ang matinding pagbagsak ng katawan ni Duterte at tila “skin and bones” na ito sa sobrang kapayatan.
Ibinahagi ni Zimmerman na si Duterte ay mahina na umano at ang karaniwang ginagawa lamang ay manood ng telebisyon, kumain, at matulog sa araw-araw. Bagaman hindi raw ito umiinom ng gamot, sinabi rin niya na nasa maayos naman ang lagay ng dating pangulo sa kabila ng pagiging matamlay.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Zimmerman kung siya ay personal na bumisita o kung saan nagmula ang impormasyon, subalit umani ito ng matinding atensyon sa publiko lalo na sa mga tagasuporta at kritiko ni Duterte.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa mga abogado ni Duterte o sa pamunuan ng ICC hinggil sa kalagayan ng dating pangulo.
Panoorin dito:
https://web.facebook.com/alvinandtourism/videos/1041100391480521











Be First to Comment