Manila, Philippines — Nanawagan si Senador Bam Aquino sa mga kasamahan niyang senador na posibleng magsilbing hukom sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte na pairalin ang tamang proseso at ituon ang desisyon sa ebidensya, hindi sa panig-panigang pulitikal.
Sa panayam sa Senado nitong Miyerkules, iginiit ni Aquino na “dapat tayong magdesisyon base sa ebidensya. ‘Yan ang ating tungkulin—tingnan ang mga ebidensya at gawin ang nararapat.”
Bilang bagong halal na senador na papasok sa puwesto ngayong Hunyo 30, inaasahang magiging bahagi si Aquino ng 20th Congress na sasala sa impeachment case. Ang panawagan niya ay kasunod ng hakbang ng kampo ni Bise Presidente Duterte na ipa-dismiss ang reklamo laban sa kanya sa pamamagitan ng isang 35-pahinang sagot na inihain ng kanyang mga abogado.
“Hintayin natin ang proseso, tingnan natin ang mga ebidensya, at doon tayo magdesisyon—not based on your political affiliation,” dagdag pa ni Aquino.
Sa harap ng umiinit na usaping pulitikal, muling binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng patas at makatarungang pagdinig, alinsunod sa prinsipyo ng hustisya.











Be First to Comment