Naglabas ng makahulugang pahayag si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kaugnay ng mga usapin at puna na ibinabato sa mga babae na naging bahagi ng buhay ng kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang Facebook post, iginiit ni Baste na lahat ng babae sa buhay ng kanyang ama ay may kanya-kanyang naging mahalagang papel at hindi dapat ikumpara o pag-awayin.
“All of these fine ladies touched the life and heart of my father. No one is above or below the other, including my mother. It is what it is,” ani Baste.
Dagdag pa niya, ang patuloy na mga pasaring at paninira mula sa iba’t ibang kampo ay mas nagpapakita ng tunay na pagkatao ng mga nagsasalita kaysa kay Duterte mismo.
“So, to any camp: If you don’t stop, it will reveal more of who you are rather than who he is (PRRD the Hokage),” ani Baste. “Because behind every man is a woman who believed in him before he believed in himself. Pamalandong ana.”
Sa huli, nakiusap ang alkalde na itigil na ang mga walang saysay na bangayan:
“So again, you are all sem sem but difalen, leme labyu long time. Enough said. Stop it.”
Hindi man tuwirang pinangalanan, lumalabas na tumutukoy ito sa patuloy na mga ispekulasyon, pagkukumpara, at usapin tungkol sa personal na buhay ng dating pangulo—kabilang na ang kanyang mga naging karelasyon.







Be First to Comment