Press "Enter" to skip to content

Female celebrities na nagsilang ng sanggol – nanganak ngayong taon 2024

Isa sa pinakamasayang pakiramdam ng isang babae ay ang magluwal ng sanggol.

Narito ang ilang artista na masayang nagbahagi ng kanilang pagbubuntis at panganganak:

1. Maja Salvador

      Noong December 2023, inanunsyo ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nunez ang pagdadalantao ng aktres.

      Marami ang nag-abang sa pagsilang ng kanilang unang anak. Nitong Mayo 31, 2024, natapos din ang pananabik ng kanilang pamilya dahil isilang na ng aktres ang isang malusog na baby girl na tinawag nilang “baby Maria.”

      2. Yasmien Kurdi

      Masaya ding ibinahagi ng mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla ang pangalawang  pagbubuntis ng aktres noong November 2023.

      Ipinanganak ni Yasmien Kurdi ang kanilang baby girl na si Raya Layla noong April 29, 2024 via ceasarian procedure.

      3. Pauleen Luna

      Noong July 29, 2023 opisyal naipinaalam ni Vic Sotto ang hinggil sa muling pagbubuntis ng kanyang asawang si Pauleen Luna.

      Ayon kay Vic ay nagbungang muli ang pagmamahalan nila ni Pauleen kasabay ng celebration ng “National Dabarkads Day.”

      Noong January 23, 2024, isinalang na ni Pauleen ang pangalawang anak nila ni Bossing na si Baby Mochi via ceasarian section.

      4. Serena Dalrymple

      Masayang ibinahagi ng dating child star na si Serena Dalrymple ang hinggil sa kanyang pagbubuntis noong November 2023.

      Makalipas ang limang buwan, noong April 6, 2024 ipinanganak ng dating aktres ang unang anak nila ng asawang si Thomas Bredillet. 

      5. Dominique Cojuangco

      Si Dominique Cojuangco na nag-iisang anak nina Gretchen Barreto at ni Tony Boy Cojuanco ay nabiyayaan na rin ng isang anak. Noong November 2023, nagbahagi si Dominic ng isang video kung saan makikita siya at kanyang asawang si Michael Hearn habang hawak ang kanyang tiyan.

      Sa caption ng video, mababasa ang m,ga katagang “Little blessing arriving in 2024.”

      Nitong Mayo 29, 2024, masayang ibinalita ni Dominique sa kaniyang Instagram followers ang pagdating ng panganay nila ng asawa si Michael. Nagsilang si Dominic ng isang malusog na baby girl na pinangalanan nilang Penelope Eloise.

      Be First to Comment

      Leave a Reply

      Discover more from Sikat Trendz

      Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

      Continue reading