Press "Enter" to skip to content

Most beautiful Pinay ‘teen stars’ noong dekada 90

  • Ang listahang ito ay naglalalaman ng ilan sa mga pinakamagagandang young stars noong dekada 90
  • Sila ay ilan sa mga binansagan bilang na “Crush ng Bayan” noon dahil sa angking likas na ganda at karisma

1. CLAUDINE BARRETTO

Si Claudine Barretto ay isa sa mga pinakamagagandang young stars noong dekada 90.

Nagsimula ang aktres sa pag-aartista bilang isang teen star.

Naging bahagi siya ng youth oriented show na Ang TV noong 1992. Mula rito siya ay kaagad na nabigyan ng mga proyekto sa telebisyon kabilang na ang mga sitcom na “Home Along da Riles” at “Oki Doki Doc.”

Mas lalong sumikat si Claudine nang makatambal niya ang matinee idol na si Rico Yan.

Sa edad na 44, nananatili pa ring aktibo sa showbiz ang aktres.

2. KRISTINE HERMOSA

Si Kristine Hermosa ay kilalang Filipino actress, endorser at enterpreneur.

Tulad ni Claudine, nagsimula ring makilala si Kristine sa youth oriented show na “Ang TV.”

Ilan sa mga teleseryeng kanyang kinatampukan na tinangkilik ng mga manonood ay ang “Pangako Sa’yo, Sana’y Wala ng Wakas, at Dahil May Isang ikaw.”

Matapos ang ilang taon na pamamalagi sa showbiz, nagpasya ang aktres na huminto sa kanyang karera at pagtuunan ng pansin ang binubuong pamilya kasama ang asawang si Oyo Sotto.

Sa ngayon sa edad na 40, hinahangaan pa rin ng marami ang mala-dyosang ganda ng aktres.

3. ASSUNTA DE ROSSI

Si Assunta de Rossi ay isang Filipino actress. Taong 1992 nang simulan ni Assunta ang kanyang karera. Siya ay napapanood noon sa That’s Entertainment ni German Moreno.

Mula sa mga pa-sweet na palabas, sumabak si Assunta sa paggawa ng mga mapangahas na pelikula.

Ilan sa mga proyektong kanyang ginawa ay may pamagat na Hubog,  Ibulong Mo sa Diyos, Azucena, Red Diaries, Bahid at iba pa.

Naglie-low si Assunta sa pag-aartista simula nang mapangasawa ang negosyanteng si Jules Ledesma IV. Ang kanilang pagmamahalan ay nabiyayaan ng isang anak na babae.

4. ANNE CURTIS

Nakilala ang ganda ni Anne Curtis nang ito ay pumasok sa pag aartista noong 1995.

Hinirang ang aktres bilang Best Actress sa MMFF noong 2008 para sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang ‘Baler.’

Ang actress ay ikinasal kay Erwan Heusaff noong 2017 at nabiyayaan sila ng isang magandang bata na si Dahlia Heusaff.

Sa kasaluluyan ay aktibo pa rin si Anne sa kanyang karera at isa sa mga ‘highest paid actresses’ sa Philippine showbiz.

Sa edad na 39, napanatili ni Anne ang kanyang mala-dyosang kagandahan.

5. CHESKA GARCIA

Si Cheska Garcia ay nagsimula rin sa pag-aartista noong 1992 nang mapabilang sa palabas na ‘Ang TV.’ Mula rito, nabigyan ng exposure ang aktres at lumabas sa ilang mga proyektong pampelikula bilang supporting star.

Ilan sa mga nagawa niyang pelikula ay ang Flames the Movie, Sukdulan, Uno , at Don’t give Up on Us.

Si Cheska ay ikinasal sa basketball player na si Doug Kramer noong 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Sa kasalukuyan, kilala ang pamilya ni Cheska bilang mga social media personalities at isa sa mga sikat na brand endorsers sa Pilipinas.

Sa edad na 43, mapapansin na tila hindi tumatanda ang dating aktres at napanatili nito ang angking kagandahan.

6. RICA PERALEJO

Isa rin sa mga magagandang artista noong dekada 90 si Rica Peralejo.

Nakilala si Rica bilang young actress na nagsimula sa ‘Ang TV.’ Kalaunan, siya ay sumabak rin bilang isang sexy star.

Ilan sa mga TV shows na kanyang kinatampukan ay Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal kang Hinintay, at iba pa.

Noong 2002, nagwagi si Rica bilang Best Supporting Actress sa 20th FAP Award para sa pelikulang “Tatarin.”

Ngayon ay abala si Rica bilang isang content creator. Madalas niya ring ibinabahagi sa kanyang mga content ang kanyang asawa at dalawang anak.

7. KAYE ABAD

Si Kaye Abad ay itinuring noon bilang isa sa mga “Crush ng Bayan” ng mga kabataan. Ang angking kagandahan ni Kaye ay hinangaan ng marami dahil sa natural nitong ‘Pinay Looks.’

Taong 1993 nang mapabilang sa Kaye sa ABS CBN Star Magic. Mula rito ay nabigyan ng pagkakataon si Kaye na mapabilang sa mga programang Ang TV, Super Inggo, Annaliza, Two Wives, Nang Ngumiti ang Langit at marami pang iba.

Naglie-low si Kaye sa kanyang karera matapos ikasal sa dating aktor na si Paul Jake Castillo noong 2016. Ang kanilang pagmamahalan ay nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki.

Bukod sa showbiz, abala rin ang aktres sa pagtulong sa negosyo ng kanyang asawa.

8. ANGELU DE LEON

Si Angelu de Leon ay isang actress-politician.

Isa si Angelu sa mga kinakikiligan noong dekada 90 dahil sa natural nitong ganda at husay sa pag-arte.

Nagsimula ang aktres sa palabas na Ang TV noong 1992. Sa pamamagitan ng naturang palabas, nabigyan ng exposure si Angelu upang maipakita ang angking talento.

Noong 1995 lumipat si Angelu sa bakuran ng GMA 7 at napasama sa cast ng T.G.I.S. Dito nagsimula sumikat ang aktres lalo na nang maka-loveteam niya si Bobby Andrews.

Magpahanggang sa ngayon ay aktibo pa rin si Angelu sa kanyang karera bilang artista.

Bukod sa showbiz, pinagkakaabalan rin ng aktres ang kanyang tungkulin sa gobyerno bilang City Councilor sa lungsod ng Pasig. Nahalal siya noong 2022.

9. PAULEEN  LUNA

Sa edad na 13, nag-umpisang si Pauleen sa pag-aartista. Siya ay napabilang sa Star Magic ng ABS CBN pero kalaunan ay lumipat ito sa bagkuran ng GMA.

Kalaunan, lumipat si Pauleen sa bakuran ng GMA 7.

Bukod sa Eat Bulaga, napasama rin ang aktres sa mga iba’t ibang shows sa GMA tulad na lang ng Encantadia, Luna Mystika, Daddy’s Girl at maraming pang iba.

Taong 2016 naman nang siya ay ikasal sa beterananong host-comedian na si Vic Sotto. Ang kanilang pagmamahalan ay nabiyayaan ng dalawang anak.

10. HEART EVANGELISTA

Si Heart Evangelista ay kilalang aktres, artist, businesswoman, model, endorser, fashion influencer at bilang presidente ng Senate Spouces Foundation Inc.

Ilan sa mga naging palabas ni Heart ay ang “G-mik, Ang Tanging Ina, My first Romance , Berks at marami pang iba.

Si Heart ay ikinasal kay Senate President Chiz Escudero noong 2015.

Sa kasalukuyan ay aktibo pa rin ang aktres sa kanyang karera bilang artista at fashion icon.

11. Antoinette Taus

Si Antoinette Taus ay isa sa mga kinakikiligang teen stars noong dekada 90.

Kilala si Antoinette noon bilang ka-loveteam ni Dingdong Dantes. Ang kanilang tambalan ay tinangkilik ng marami pero ito ay kaagad naputol dahil sa pasyang ginawa ng aktres na iwanan ang Pilipinas.

Si Antoinette sa ngayon ay 43 taong gulang na at aktibo sa isang non-profit organization.

12. Kim Delos Santos

Si Kim Delos Santos ay isa sa mga may magagandang mukha noong kanyang kapanahunan.

Isa siya sa mga teenstars noong dekada na kinakiligan ng maraming kabataan. Naging ka-loveteam ni Kim noon ang aktor na si Dino Guevarra na kalaunan ay kanyang naging asawa.

Lumamlam ang karera ng mag-asawa kasabay ng pagkasira ng kanilang relasyon.

Matapos makipaghiwalay kay Dino, umalis si Kim patungong Amerika at doon piniling manirahan. Siya ngayon ay nagtatrabaho sa healthcare industry.

13. Paula Peralejo

Si Paula Peralejo ay nabansagan din noon bilang “Crush ng Bayan.”

Hindi naman ito maipagtataka dahil isa si Paula sa mga magagandang teen stars noong kanyang kapanahunan.

Ilang taon lamang namalagi si Paula sa showbiz dahil mas pinili nito na tapusin ang kanyang pag-aaral.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Philosophy, with a Tourism minor, sa University of the Philippines noong taong 2008 bilang magna cum laude.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading