
- Listahan ng mga Goin’ Bulilit stars na aktibo pa rin sa industriya
- Kailan nga ba sila nagsimula sa show at kumusta na sila ngayon?
Ang “Goin’ Bulilit” ay isang sketch comedy show na kinatatampukan ng mga bibong bata. Napapanood ito noon sa ABS CBN mula taong 2005 hanggang 2014.
Ngayong darating na July 1, 2024, muling magbabalik ang naturang show tampok ang mga bagong cast ng Goin’ Bulilit kids.
Maraming mga sikat na artista ang nagmula sa naturang programa. Sinu-sino nga ba sila?
1. BELLE MARIANO

Si Belle Mariano ay napabilang sa Goin’ Bulilit noong taong 2012 sa edad na 9 na taong gulang.
Ngayon ay aktibo pa rin si Belle sa showbiz at isa sa mga hinahangaang young stars ng kanyang henerasyon.
2. ALEXA ILACAD

Nasa edad na 2 taong gulang lamang si Alexa Ilacad nang mapabilang sa cast ng Goin’ Bulilit noong 2008.
Mula rito siya ay naging commercial model at kalaunan ay naging aktibo sa pag-arte sa mga programang pantelebisyon at pelikula. Magpahanggang sa ngayon ay aktibo pa rin si Alexa sa kanyang karera sa showbiz.
3. JULIA MONTES

Si Julia Montes ay napabilang sa Goin’ Bulilit noong 2005. Sa pamamagitan ng nasabing palabas, nabigyan ng exposure si Julia at nabigyan ng iba’t ibang proyekto. Ipinakita niya ang husay niya sa pag-arte nang napasama siya sa mga seryeng “Mara Clara” at “Growing Up.”
Ngayon ay aktibo pa rin sa industriya ang aktres.
4. JANE OINEZA

Si Jane ay nasa limang taong gulang nang ito ay unang lumabas sa telebisyon at napabilang sa Goin’ Bulilit noong 2008.
Ngayon ay aktibo pa rin si Jane sa showbiz. Ang huling TV series na kanyang pinagbidahan ay may pamagat na “Nag-aapoy na Damdamin” na ipinalabas noong 2023.
5. KATHRYN BERNARDO

Taong 2006 nang magsimula sa gag show na Goin’ Bulilit si Kathryn Bernardo. Matapos nito, siya ay nabigyan ng mga proyekto kung saan naipalamas niya ang kanyang husay.
Kalaunan, naipareha si Kathryn kay Daniel Padilla. Ang kanilang tambalan na KathNiel ay tinangkilik ng masa. Sila ay sumikat nang sabay.
Magpahanggang ngayon ay aktibo pa rin ang aktres sa pag-aartista, at sa kasalukuyan sinisimulan na rin ang shooting ng panibago nitong pelikula.
6. KIRAY CELIS

Si Kiray Celis ay napabilang sa Goin’ Bulilit cast noong 2005.
Napabilang din si Kiray sa iba pang palabas sa ABS-CBN tulad ng “Mara Clara” at “Growing Up.”
Ngayon ay aktibo pa rin ito sa pag-aartista bukod sa online selling.
7. MILES OCAMPO

Si Miles Ocampo ay napabilang sa Goin’Bulilit noong taong 2005.
Ngayon ay aktibo pa rin si Miles sa pag -aartista. Siya ay regular na napapanood sa “E.A.T Bulaga sa TV5.
Siya rin ay mapapanood ngayong taong 2024 sa sariling serye na kanyang pagbibidahan, ang “Padyak Princess.”
8. ANDREA BRILLANTES

Napabilang sa cast ng “Goin’Bulilit” noong 2010 ang aktres na si Andrea Brillantes.
Nakitaan ng husay sa pag-arte si Andrea kaya naman pinagkatiwalaan ito na bumida sa mga seryeng “Analiza at Kadenang Ginto.”
Sa kasalukuyan ay aktibo pa rin si Andrea sa showbiz.






Be First to Comment