
- KC Concepcion at Mike Wuethrich in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
- Ito ang tila nagpatunay na totoo umano ang mga naunang balita hinggil sa hiwalayan ng dalawa
KC Concepcion muling pinag-uusapan sa online community bunsod ng diumano’y pag-unfollow sa IG ng rumored boyfriend na si Mike Wuethrich. Napansin rin ng mga mapanuring netizens na maging si Wuethrich ay hindi na rin naka-follow sa aktres.
Bagaman walang opisyal na pag-amin mula kina KC at Mike hinggil sa tunay nilang naging ugnayan, ipinagpalagay ng netizens na sila ay naging magkarelasyon. Ito ay dahil na rin sa mga lumabas na larawan kung saan madalas silang nagkikita noon.
May ilang pagkakataon rin na isinama ni KC si Mike sa mga family gatherings sa parte ng inang si Sharon Cuneta at sa parte ng amang si Gabby Concepcion.
BREAK na nga ba sila? Ito ang tanong ngayon ng maraming netizens.
Hindi na bago ang balitang hiwalayan nina KC at Mike. Sa katunayan, noong nakaraang buwan umugong na rin ang balita hinggil sa kanilang breakup. Ilang beses din nagbahagi si KC ng cryptic post sa kanya IG stories ukol pagmo-move on.
Makalipas ang isang buwan, napansin naman ng ilan na naka-unfollow na sina KC at Mike sa isa’t isa. Bago ito, wala na ring post si KC tampok si Mike sa kanyang social media accounts.






Be First to Comment