
- Maraming netizens ang natuwa sa pinakabagong post ni KC Concepcion sa kanyang IG account
- Sa nasabing post, may pahaging si KC na tila may ugnayan pa rin sila ni Mike Wuethrich matapos ang rumor na sila ay naghiwalay
- Ayon sa mga netizens, mabuti at hindi umano totoong naghiwalay ang dalawa dahil binati rin ni KC si Mike sa kaarawan nito
- Isang netizen naman na nagpakilala na malapit kay KC ang bumasag sa tila ilusyon ng mga fans dahil hindi umano totoong may relasyon ang dalawa
Ilang araw na ang nakararaan nang magsimulang kumalat ang rumor hinggil sa hiwalayan isyu nina KC Concepcion at rumored boyfriend na si Mike Wuethrich. Ito ay dahil wala na umanong social media post ang dalawa na sila ay magkasama sa mga okasyon tulad ng nakaraang kaarawan ng aktres.
Matapos ang ilang araw, muling nagparamdam si KC at tila ipinapaalam sa madla na maayos pa rin ang relasyon nila ni Mike. Binati ng aktres ang rumored boyfriend nitong nakaraang araw. Isang birthday message para kay Mike ang ibinahagi niya sa kanyang story kalakip ang isang larawan kung saan sila magkasama.
Sa isa pang hiwalay na post, nagpahaging si KC at tila sinasabing hindi man niya kasama in person si Mike noong kanyang kaarawan, nakatanggap umano siya ng flowers mula sa Switzerland.
Ayon kay KC, “It’s APRIL and it’s my birth MONTH!!! 🌸💃🏻🎂 You’re invited to my intimate birthday ‘salubong’ at home, which began with fresh flowers and a sweet card from Swizzy all the way from Switzerland! More on this night with some of my nearest and dearest in Manila — now up on my channel! “
Sa comment section ng nasabing post, marami ang nagpabatid ng pagkatuwa dahil ang ibig sabihin umano nito hindi pa naghihiwalay ang dalawa.
Binasag naman ng isang netizen ang tila ilusyon ng ilang mga followers nina KC at Mike. Ayon sa nasabing netizen na nagpakilalang malapit sa aktres, wala umanong ugnayan ang dalawa. Na-friendzoned umano ni KC si Mike.
Ayon sa komento ng naturang netizen, “Hi! They were never a couple. They just dated. They are friends. Swizzy got Friend Zoned.”
Marami ang hindi naniwala sa komentong ito kaya nakatanggap ito ng marami pambabatikos. Ganun pa man, pinanindigan ng netizen ang kanyang sinabi, at inulit ito na may mahabang paliwanag. Sinabi niya pa na kilalang-kilala umano siya ni KC.
Ayon sa netizen, “the message is not for you. I’m not saying it to you. So, i’m not repeating. Why can’t you accept the truth? You need to move on with the idea that they are a couple because they are not.”
Dagdag pa nito, “KC was mentally and emotionally drained and stressed out with him. You like that for her? I thought you care for her. She already made a decision that they will be friends. Respect her decision. I will repeat so you get it this time. They are just friends. You dig? Or do i have to say it to you again if you still can’t grasp that statement? And by the way, there is nothing funny for someone who’s trying to heal. She is trying to heal. She just being nice to him. Gets mo?”
“Why are you so stressed with my comments and the truth about them? Let me reiterate it to you this time. They were never a couple. They just dated. Swizzy got Friend Zoned. So, they are just friends now. Do you comprehend that? Please tell me which part you did not understand. I will repeat it again to you. 😂 I am not going away. So stop stressing out because you’ll hear more from me. And I don’t mind saying it again to you. That they are just friends. That Swizzy got friend zoned and KC is just being nice to him,” ayon pa sa netizen.
“By the way, KC knows me pretty much,” ayon pa rito.





[…] na bago ang balitang hiwalayan nina KC at Mike. Sa katunayan, noong nakaraang buwan umugong na rin ang balita hinggil sa kanilang breakup. Ilang […]