
- Pinag-uusapan ngayon sa online community ang diumano’y hiwalayan nina KC Concepcion at ng non-showbiz bf na si Mike Wuethrich
- Isang IG story ang ibinahagi ni KC kung saan mababatid na siya ay nakafocus ngayon sa paglilinis ng kanyang isip at puso
Marami ang nalulungkot na fans sa balitang hiwalay na si KC Concepcion sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mike Wuethrich. Napansin kasi ng mga netizens na matagal nang hindi nagrereact si Mike sa mga post ni KC.
Bukod dito, nagbahagi pa si Mike ng tila isang pamamaalam at wish at aktres sa pamamagitan ng isang IG story na kaagad din binura.
Ayon sa mga netizens, tila hiwalay na nga sina KC Concepcion at Mike Wuethrich.
Ngayon namang araw, April 9, nagbahagi si KC ng isang cryptic post kung saan sinabi nito ang hinggil sa paglilinis ng paligid kasama na ang puso at isip. Tila naghahanda na rin siya sa mga bagong bagay na darating sa kanyang buhay.
Ayon sa mismong post ni KC, “Clean your spaces. Your house, your room, your car, your mind, your heart. New things are coming, make sure you’;’re welcoming them properly.”

Kung matatandaan, unang lumabas ang balitang nagkakamabutihan sina KC at Mike noong nakaraang taon 2023. Nagkaroon pa ng rumor na diumano hindi boto ang kampo ni Sharon Cuneta sa relasyong ito at naging dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan bilang pamilya.





Be First to Comment