
- Mutya ng Pilipinas candidate nawawala kasama ng Israeli boyfriend
- Mga magulang ng nawawalang si Geneva Lopez ibinahagi sa isang panayam na nagpaalam ang anak na may kakatagpuin sa Capas, Tarlac kasama ang bf
Kamakailan lang, isang netizen ang nanawagan hinggil sa ‘missing person’ na nagngangalang Geneva Lopez.
Ayon sa post ng isang Facebook account na may pangalang ‘Li Dsc,’ huli umanong nakita si Geneva Lopez noong June 21, 2024 bandang 3pm. Marami ang nag-share sa naturang post, pero magpahanggang sa ngayon, makalipas ang tatlong araw wala pa ring anumang update hinggil sa kinaroroonan nito.
Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang Mutya ng Pilipinas Pampanga.
Sa naturang pahayag, mababatid na kalahok pa rin si Geneva sa Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 at representative ito ng Sto. Tomas.
Binigyan ng linaw ng nasabing pahina na wala silang anumang ‘scheduled activities’ noong araw na nawala ang kandidata. Napag-alaman na bukod kay Geneva, kasama rin nitong nawala ang Israeli boyfriend na nagngangalang Yitshak Cohen.

Base sa report ng TV Patrol, mismong pamilya ni Geneva ang siyang nagreport sa Angeles City Police Office hinggil sa pagkawala ng anak. Binanggit din ng mga kaanak nito na nagpaalam si Geneva na may kakatagpuin sa Capas, Tarlac kasama ang kanyang nobyo.
Samantala, may naulat naman na isang sasakyan na nagliyab sa Capas, Tarlac. Hinihintay pa ang kumpirmasyon kung ito ang mismong sasakyan na ginamit ng couple papunta sa nasabing lugar.





Be First to Comment