
- Production head ng Miss Universe Philippines nagsalita na hinggil sa paratang ng designer na si Jef Albea
- Binayaran umano ng Miss Universe production team si Jef, taliwas sa sinabi nito na xdeal ang nangyari
Kahapon June 12, 2024, sinagot ni Borg Roxas ang akusasyon ni Jef Albea sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Si Borg Roxas ang Head Production ng Miss Universe Philippines. Ayon sa kanya, wala silang tinakasan tulad ng binibintang ng designer artist na si Jef Albea.
Nagbayad umano sila kay Albea para sa disenyo at sa ginawa nitong trophies at wala aniya silang tinatakasan.
“Last year at the Miss Philippines finals, we paid him P150,000 without any OR. Naisip namin na magandang gift siya sa mga winner para hindi lang ‘yung crystal trophy na mura lang ang souvenir items. Nagbayad naman ang production agad kasi konti lang suppliers. During the MUPh finals, magulo na lahat sa backstage. I admit na kausap namin si Sir Jef. Pero on the day of the finals pinadala ‘yung mga artwork, and on that day rin namin nalaman through his assistant na need magbayad ng P75,000,” paliwanag ni Roxas.
Pinabulaanan ni Roxas ang inihayag ng artist na sila ay naglaho na lamang at tinakasan ang obligasyon na pagbabayad.
“Nakakalungkot lang na nag-post na agad siya na magkausap naman sila ng staff. Hindi siya nakasama sa May 30 cut-off kasi walang papers. Kaya sa June 15 cut-off siya nakasama kasi magkausap sila ng staff,” dagdag pa ng head of production ng Miss Universe PH,” ayon kay Roxas.
Ipinaliwanag din niya na kailangan ng production na magpasa ng papeles para sa dokumentasyon nito dahil wala umanong kasulatan ang naturang artist.
“Kailangan din namin sa production magsubmit ng tamang papeles kasi walang kasulatan with Sir Jef sa terms. Pero kahit ganun man, wala naman TINATAKASAN. Pero yung tatakasan ang 75k, bakit namin gagawin yun eh last October binayaran namin sya. Pero since malaki MUPh need namin ng proper documentation,” dadgdag pa nito.
“Again, hindi ang MUPh ang nagkamali dito. Sa production side, kailangan namin idefend sa management kahit walang billing or invoice. Nag yes naman agad management sa amin. Pero sa usual na may billing and proper documentation lang para pag dating sa filing ng taxes, madefend namin ang expenses. Lahat naman mababayaran,” pagtatapos ni Borg.


Be First to Comment