
- Eman Bacosa sumusunod na sa yapak ng amang si Manny Pacquiao
- Ayon sa anak ni Pacquiao na hindi madali ang magboksing pero ito umano ang gusto ng kanyang puso
- Inamin din ni Eman ang isang bagay na minana niya sa kanyang ama na si Manny Pacquiao
Nakapanayam sa Youtube Channel ng Powercast ang baguhang boksingero na si Eman Bacosa, isa sa mga anak ni ‘Pacman’ Manny Pacquiao.
Sa nasabing panayam, naikwento ni Eman kung paano niya napagdesiyunan na pasukin ang larangan ng boksing at sundan ang yapak ng ama. Hindi umano ito madali dahil mahirap ang magboksing pero ito umano ang gusto ng kanyang puso.
“Minsan po nagsabi ang mama ko kung ‘ano ba, gusto mo ba talaga magboxing’ so nagpray po ako sa kwarto ko… gusto ko po talaga magboxing. So sabi ko, gusto po ng ‘heart’ ko magboxing. So ‘yun pinagpray ko po talaga sa Panginoon na magboxing ako. ‘Yun po nagdecide akong magpro,” kwento ni Eman.
Binanggit din ni Eman na namana niya sa kanyang ama ang ‘tapang’ na meron siya.
Ayon pa kay Eman, ‘gusto ko pong maging world champion someday kagaya po ni Daddy at gusto ko rin po makatulong sa pamilya ko… at maging proud sa akin ang daddy ko.”









Be First to Comment