- Trending ang isang video ng mag-amang sina Manny Pacquiao at Eman Bacosa Pacquiao
- Binatikos ng mga netizens si Pacquiao matapos makita sa nasabing video na tila pinapagalitan nito ang anak
- Ayon sa mga netizens parang hindi umano anak ang turing ni Manny Pacquiao kay Eman
- Pacman ipinagtanggol naman ng ilang netizens at nagbahagi ng ilang dahilan kung bakit ganito ang trato ng ama sa kanyang anak

Isang video ng mag-amang sina Manny Pacquiao at Eman Bacosa Pacquiao ang trending ngayon sa online community.
Ang nasabing video ay nagmitsa para maglabas ng mag negatibong komento ang netizens laban sa pambansang kamao na si Manny Pacquiao. Hindi daw maganda ang pagtrato nito sa anak na si Eman Bacosa Pacquiao.
Sa nasabing video na inupload ni Macoy Setias Bacosa, makikita na nasa iisang boxing ring ang mag-ama. Tila naroon si Pacman para personal na makitang nagte-training ang anak na si Eman.
Subalit ilang netiznes na nakapanood sa nasabing video ay hindi natuwa. Sa halip binigyan nila ng kulay ang paraan ng pagdidisiplina or pagsasalita ni pacman sa anak kahit pa hindi naman tuwiran na maririnig sa video kung ano ang mga sinabi ni Pacman kay Eman.
Ang tanging pinagbasehan ng mga nambabatikos na netizens ay ang nanlaking mga mata ni Pacman habang kinakausap ang anak.
Narito ang ilang mga komento ng netizens.



Sa kabila ng mga negatibong komento na ito ng netizens, may iba din naman na ipinagtanggol si Pacman. Natural lamang umano na ganito kahigpit ang training ng ama sa anak para sa magging tagumpay nito sa tinahak na karera.












Be First to Comment