Press "Enter" to skip to content

Manny Villar, Balak Nang Ibenta ang PrimeWater — Cynthia Villar

Ibinunyag ni Senadora Cynthia Villar na balak na raw ibenta o bitawan ng kanyang asawang si Manny Villar ang PrimeWater Infrastructure Corp. dahil hindi raw ito kumikita at ginagamit pa laban sa kanila sa pulitika.

Ayon kay Cynthia, hindi raw kalakihan ang kita ng pamilya mula sa PrimeWater at palagi pa silang sinisisi kapag may problema sa tubig. “Ginagamit lang panira sa amin. Mas gusto na ngang i-dispose ni Manny,” pahayag niya sa panayam.

Ang PrimeWater ay kasalukuyang iniimbestigahan ng Local Water Utilities Administration (LWUA) dahil sa mga reklamo ng mahina at mahal na serbisyo ng tubig sa mahigit 160 lungsod at bayan sa buong bansa.

Sa kanyang SONA noong Hulyo 28, iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos na panagutin ang mga palpak na water providers matapos mapaulat na mahigit 6 na milyong Pilipino ang naaapektuhan ng mahinang serbisyo.

Wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kay Manny Villar hinggil sa sinasabing pagbebenta, ngunit inaasahang may magiging pagbabago sa sektor ng tubig kung matutuloy ito.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading