Press "Enter" to skip to content

Tunay na dahilan ng pakikipaghiwalay ni Gerald Sibayan kay AiAi Delas Alas – May nabuntis!

Gerald Sibayan nakabuntis na ng ibang babae. Ito ang isiniwalat ng numero unong Marites na si Christian Gaza.

Sa pinakabagong post ni Christian Gaza sa kanyang Facebook account, mababasa ang isang open letter para kay Miss AiAi Delas Alas. Ang naturang sulat ay naglalaman ng pagsisiwalat ni Gaza hinggil sa tunay na dahilan ng pakikipaghiwalay ni Gerald sa komedyante.

Ayon kay Xian, may nabuntis umano na ibang babae si Gerald Sibayan.

Bunsod nito, nagbigay ng payo si Xian kay AiAi at sinabi na sana sa susunod na pagkakataon ay huwag na itong makipagrelasyon sa mas bata sa kanya.

Ani Xian, “Madam, may nabuntis na pong iba yung asawa mo. Wait mo na lang na i-reveal yung bata next year. Ganyan po talaga ang buhay, matapos kang gamitin para umasenso sa life at magkaroon ng green card sa US, iniwan ka na lang basta-basta noong ikaw ay senior citizen na.

“Ayaw na po niya sa matanda kaya ngayon ay ipinagpalit ka sa mas bata. Ang importante po ay naging masaya ka sa piling niya for the last 10 years. Time will heal you, Madam. Huwag ka na pong magpauto ulit ha? Enjoyin mo na lang po yung buhay single mo. Fling fling na lang. Tikim tikim na lang.

“Huwag ka na pong magpagamit ulit sa mga kaedad namin dahil pera lang po ang habol namin sa matatanda. Sayang lang po yung feelings, pera at oras na i-invest niyo sa amin. Praying for you Madam Ai-Ai and God bless po sa bagong chapter ng iyong buhay,” dagdag pa ni Xian.

Kamakailan lang, nagtrending ang hiwalayan isyu nina AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan. Pag-amin ni AiAi sa panayam ni Boy Abunda ng Fast Talk, hiniwalayan umano siya ni Gerald sa pamamagitan ng isang text message.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading