Press "Enter" to skip to content

Julia Barretto ibinahagi ang naramdaman noong lumusong sa baha ang nobyong si Gerald Anderson – kinabahan

  • Julia Barretto nagbahagi ng saloobin hinggil sa ginawang rescue effort ng nobyong si Gerald Anderson noong kasagsagan ng bagyong Carina
  • Ayon sa aktres, proud siya sa ginawa ni Gerald pero hindi niya umano maiwasan ang kabahan habang pinapanood ang aktor na lumusong sa baha

Nagpahayag ng saloobin ang aktres na si Julia Barretto nang masaksihan ang paglusong sa baha ng nobyong si Gerald Anderson.

Kung matatandaan, naging trending si Gerald matapos nitong gumawa ng kabutihan para sa kapwa noong kasagsagan ng bagyong Carina. Isa ang aktor sa mga gumawa ng rescue efforts para mailigtas sa kapahamakan ang ilang stranded sa baha sa Quezon City.

Nakapanayam ni MJ Marfori ang nobya ng aktor na si Julia Barretto hinggil rito.

Ayon kay Julia proud siya sa ginawa ng kanyang nobyo pero hindi niya daw maiwasan na kabahan noong napanood sa mga reports ang aktwal na pagsuong ng aktor sa baha.

Dagdag pa ng aktres, nasa ‘nature’ na ni Gerald ang kabutihan at pagnanais na makatulong sa kapwa. Ang hiling niya lang ay maging ligtas ito habang gumagawa ng kabutihan para sa iba.

“It’s a proud moment, of course, but I was really worried. But by nature, that’s who he is. I just hope he will be safe doing that for others. It’s a proud moment, but ang hirap grabe ‘yung worries ko,” saad ni Julia.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakita ng kabutihan si Gerald. Noong taong 2009, isa rin ang aktor sa mga lumahok sa pagsagip sa ilang mga na-biktima ng bagyong Ondoy.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading