
- CEO Glenda Dela Cruz ibinahagi ang hirap na naranasan sa buhay bago naging isang bilyonaryo
- Lumaki umano si Glenda sa pangangalaga ng kanyang lola matapos iwanan ng kanyang ina
- Bunsod nito, maaga siyang nagsumikap hanggang sa dumating ang biyaya sa kanyang buhay
July 11, 2024 nang makapanayam ni Miss Karen Davila sa kanyang Youtube channel ang CEO ng “Brillliant Skin” na si Miss Glenda Dela Cruz.
Sa nasabing panayam, ibinahagi ni Miss Glenda ang buhay niya noon bago dumating ang mga biyayang tinatamasa sa ngayon.
Kwento ni Glenda kay Miss Karen, sa edad na 2 taong gulang ay pumanaw na ang kanyang ama. Kalaunan, iniwan rin sila ng kanyang tatlong kapatid sa pangangalaga ng kanyang lola.
Nasilayan niya lamang umano ang kanyang ina nang ito ay pumanaw na.
Inamin ni Glenda na bago pumanaw ang ina, nagtrabaho ito bilang G.R.O., kaya naman naging tampulan din siya noon ng tukso na maaring ganoon din umano ang mangyari sa kanya tulad ng 12-taong gulang niyang half-sister na ipinasok sa club sa edad na 12.
Pagbabahagi pa ni Miss Glenda, sobrang hirap ng buhay nila noon dahil umaasa lamang sila sa maliit na tindahan ng kanyang lola. Kaya naman upang makatulong, nangangalakal umano sila ng kanyang mga kapatid.
Sa Edad na 16, nagsimula na si Miss Glenda sa online selling pero tuwing undas nagbebenta din siya ng mga kandila.
Kwento ng negosyante, nagtitinda siya noon ng kandila sa araw ng undas. Isang ale ang lumapit sa kanya at binili lahat ng kanyang paninda.
Napansin ni Miss Glenda na may itinitindang mga sabon ang naturang ale. Matapos nilang mag-usap, pinagkatiwalaan siya ng ale ng isang libong pirasong sabon. Ipinautang ito sa kanya at ibinenta niya naman sa mga kakilala.
Pumatok ang pagtitinda ni Glenda ng mga sabon. Bilang likas na negosyante, naisip nito na gumawa ng sariling produkto. Dito niya sinimulan ang ‘charcoal soap’ na kaagad pumatok sa sa masa.
Kalaunan, siya ay nagkaroon ng mga distributor hanggang sa lumago ang kanyang negosyo at pinangalanan na Brilliant.
Sa kasalukuyan, mas patuloy na lumalago ang negosyo ni Glenda. Nagpatayo na rin ito ng mga buildings tulad ng Brilliant Medical Group, Brilliant Toll Manufacturing, at Brilliant Hotel sa Malaysia sa edad na 27.
Pag-amin ni Glenda, naging bilyonaryo siya sa edad na 21.




Be First to Comment