
- Marco Sison nagbahagi ng ilang detalye hinggil sa kanyang karera bilang singer at aktor noong kanyang kabataan
- Inamin ni Marco na magpahanggang sa ngayon hindi niya pa napapanood ang bed scenes nila ng aktres na si Gretchen Barretto sa pelikulang Beautiful Girl at kung ano ang dahilan
- Ibinahagi rin ng singer ang tunay na dahilan kung bakit niya iniwan ang pag-arte
Nakilala si Marco Sison bilang isang singer-actor noong 70’s. Una siyang lumabas sa noontime show na “Student Canteen” sa Channel 7.
Nakapanayam ng batikang broadcaster na si Julius Babao ang singer at dito ibinahagi ni Marco ang ilang detalye hinggil sa kanyang buhay bilang aktor at singer noong araw.
Kwento ni Marco kay Julius, nasa edad 35 siya nang makilala sa showbiz. Ilan sa kanyang mga awitin ay nag-hit noon tulad na lang ng mga kantang “My Love Will See you Through,” “Make Believe,” I’ll face Tomorrow” at “All of my life.”
Bukod sa pagkanta, sumabak din si Marco sa pag-arte. Isa sa mga nagawa niyang pelikula ay ay may pamagat na “Beautiful Girl” na ipinalabas noong 1990. Sa nasabing pelikula, naka-bed scene niya umano si Gretchen Barreto.
Pagbabalik-tanaw ni Marco, hindi siya nahirapan gawin ang mga eksena kasama si Gretchen. Nag-enjoy umano siya dahil magkaibigan sila ng akres at very professional ito.
Paglilinaw ni Marco, iba ang mga sexy films noon kumpara ngayon. Sa naturang pelikula, tila topless si Gretchen pero ang totoo, may saplot ito pang-itaas.
Pag-amin pa ni Marco, hindi niya umano pinanood ang naturang eksena kailanman.
Natanong naman ni Julius kung bakit, pero tanging naisagot ni Marco ay mga katagang “Naiilang ako.”
Matapos nito, may isa pang sexy film na inalok sa singer-actor pero hindi niya na tinanggap pa dahil mas gusto niya umano ang pagkanta.
Panoorin ang buong panayam ni Julius Babao sa singer na si Marco Sison.







Be First to Comment