
- Karla Estrada may pakiusap sa mga fans ng anak na si Daniel Padilla
- Hindi umano nagugustuhan ng kanyang pamilya ang mga naririnig na ilang fans ni Daniel ay nambabatikos ng mga biyaya ng iba
Ngayong Hulyo 10, 2024, nagpost ang aktres na si Karla Estrada sa kanyang Facebook page para makiusap sa mga tagahanga ng kanyang anak na si Daniel Padilla.
Ayon sa Aktres, hindi umano nagustuhan ng kanilang pamilya ang mga nagiging reaksyon ng mga tagahanga ng anak na si Daniel sa mga natatamong blessings ng iba, kaya dapat tigilan na ang pamababatikos.
Dagdag pa ni Karla, kung ipinagmamalaki ang blessings ni Daniel ng kanyang mga tagahanga dapat ganoon din sa iba at magbigay ng respeto.
“Panawagan sa lahat ng mga supporters ni Daniel Padilla or DJP, pakiusap lang po No bashing tayo please. Hindi yan ang klase ng pamamaraan ng pag suporta na gusto ng aming Pamilya para kay Daniel. We appreciate your support, but please, no bashing to others.
“Ipagmalaki Ang lahat ng Blessings ni DJP.
“Respeto para sa Blessings ng iba.
“Maging masaya tayo sa tagumpay ng bawat isa.”

Narito ang ilang komento ng fans.
“Mismo po tita Karla Estrada Focus tayo sa pag suporta kay Daniel Padilla Original, at sigurado ko ang gusto ni DJ ay positve and peace, kaya dun tayo sa tahimik sa away, pero maingay sa pag suporta kay dj.”
“Thank u tita K 🥰mga bashers Jan manahimik na kau…. Pinapahamak nyo lng lalo c dj sa ginagawA nyo… Mahiya nman kau sa pamilya ni dj”
“Totoo! Suportahan natin sila at maging happy sa kanilang dalawa dahil minsan din nila tayong napasaya. Nakaka dismaya lang ibang fans nag cocomment or post ng negative. Let’s share positivity and be happy sa achievements, blessings nila o kung saan man sila ngayon”





Be First to Comment