
- Xian Lim muling dumepensa, ipinagtanggol ang sarili mula sa mga diumano’y “false accusations”
- Ayon sa aktor, hindi niya umano deserve ang mga kumakalat na kasinungalingan
Muling nagsalita ang actor-director na si Xian Lim hinggil sa hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Kim Chiu.
Sa pinakabagong panayam ni Nelson Canlas sa aktor, naglabas ng hinanaing si Xian kaugnay sa diumano’y mga ‘false accusations’ na ibinabago sa kanya ng netizens.
Ayon kay Xian, hindi na dapat iisa-isahin pa ang mga bagay kung sino ang nagkulang sa kanila ni Kim at kung bakit humantong sa hiwalayan ang kanyang relasyon.
Batid niya rin umano na marami ang nasaktan sa breakup nila ni Kim dahil nakakabit sa relasyon nila ng aktres ang pangakong ‘forever.’
Ganun pa man hindi niya umano deserve ang mga ‘false accusations’ at mga kasinungalingan. Sana daw kung titirahin siya, huwag nang isali pa ang kanyang pamilya.
Saad ng aktor, “Hindi na namin kailangan pang isa-isahin kung sino ang nagkulang because it’s just like any other relationship. This was open to the public, it came from us directly why we decided to go our separate ways. Of course, I know the supporters that we’ve built for the past 12 years, we became a part of their lives na. I know they’re hurting because naghiwalay kami because there is that promise of forever.”
“I understand that they’re going through pain but I do not deserve the false accusations, the lies being spread. Ako na po yung tirahin nila but not my family,” ani Xian.





Be First to Comment