
- Senator Robin Padilla naniniwalang magkakabalikan pa ang KathNiel
- Boto umano si Robin kay Kathryn Bernardo para sa pamangkin na si Daniel Padilla
Naniniwala ang senador na si Robin Padilla na magkakabalikan pa sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ito ang ipinahayag ng actor-politician sa panayam ng Abante Tonite.
Ayon kay Robin, darating din ang panahon na magkakabalikan ang dalawa sakaling sila ay mabigyang muli ng proyekto na magkasama. Mangyayari umano ito kung pareho nang mature ang dating magkasintahan.
Ganyan talaga ang pag-ibig, sa simula may tampuhan dahil mga bata pa sila pero pag nag -mature sila mare-realize nila na sila pa rin sa isa’t-isa. Tingnan mo ‘pag nagkapelikula uli ‘yang dalawa magkakabalikan yan,” saad ni Senator Padilla.
Inamin din ni Robin na boto siya kay Kathryn para sa pamangkin na si Daniel kahit pa hindi siya ibinoto ng aktres noong nakaraang eleksyon.
“Boto ako kay Kathryn Kahit hindi niya ako binoto,” pagtatapat ni Robin sa Abante Tonite.
Gusto niya umano na magkatuluyan ang dalawa. Binanggit din ng senador na tinatanaw ng buong Padilla ang kontribusyon ni Kathryn sa karera ng kanyang pamangkin.
“Ang buong Padilla ay malaki ang pagpupugay namin kay Kathryn dahil nagbigay rin ng break kay Daniel kaya ang paggalang namin kay Kathryn ay sobra-sobra,” saad pa ng senador.





Be First to Comment