Press "Enter" to skip to content

Pinay OFW na nagviral, nagsalita na hinggil sa ‘tuwalya’ isyu

  • Pinay OFW na pinauwi ng among babae nagsalita na at ipinagtanggol ang sarili
  • Ayon sa Pinay OFW, hindi totoo ang paratang tungkol sa ‘tuwalya isyu’

Ipinagtanggol ng Pinay OFW ang kanyang sarili laban sa mga pambabatikos.

Nagsimulang magtrending ang Pinay OFW matapos ma-feature sa vlog ng nagngangalang Bong Concha. Maririnig kay Concha ang mga papuri sa ‘beauty’ ni Kabayan.

Kung papanoorin ang buong video, walang maririnig na sinabi si Pinay OFW na siya ay maganda. Hindi niya rin binanggit na kaya siya pinauwi dahil sa kanyang angking kagandahan.

Marami ang bumatikos sa nasabing Pinay OFW hindi lang dahil sa statement na ‘kaya ito pinauwi dahil sa sobrang ganda,‘ kundi pati na rin sa mga kilos at ngiti nito.

Kasunod nito ay ang paglutang ng diumano’y kapwa OFW ni Kabayan at ibinulgar ang sinasabing tunay na dahilan ng pagpapauwi rito ng among babae.

Ayon sa kapwa OFW, pinauwi umano si Kabayan dahil lumalabas ito ng banyo nang nakatapis matapos maligo. Kahit pinagsabihan na ay paulit-ulit pa rin umanong ginagawa.

Sinagot ni Pinay OFW ang paratang na ito at mariin niyang pinabulaanan. Hindi umano totoo ang ‘tuwalya’ o ‘tapis’ isyu. Hindi niya umano ito ginawa sa bahay ng kanyang amo.

Base sa pahayag ni Concha bilang pagtatanggol kay Pinay OFW, dalawang linggo pa lamang umano si Pinay OFW sa kanyang trabaho nang magkaroon ito ng problema sa kanyang mga amo.

“Another info. Tinanong namin ang OFW kung may katotohanan ang accusation sa kanya na nahuli daw syang lumalabas ng CR na Naka tuwalya lang. Ayon sa kanya ay wala syang ginawa ng Ganon,” ayon kay Concha.

Nauwi ang problema sa pag uwi nya dahil Ayon sa kanya, 2 weeks palang daw sya sa amo nya ay nagkaroon na sya ng encounter sa amo Kaya nag Sabi na sya sa agency at nag papa balik na sya. In advise Lang daw sya na mag observe muna. Pero habang tumatagalvay hindi na raw maganda ang kanya ng sitwasyon dun Kaya kinausap daw nya uli ang agency Kaya nagsabi ang among babae na ibabalik sya sa agency pero nag decide ang among lalake na pauwi in sya at hindi I transfer sa ibang amo. Kaya sya nakauwi. So kung babsihin sa kanya ng kwento ay meron na syang request ng assistance gayong 2 weeks pa lang sya sa amo,” paliwanag pa ni Concha.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading