Press "Enter" to skip to content

Stefano Mori binati si Camille Prats sa kaarawan nito

  • G-Mik fans kinilig sa pagpaparamdam sa social media ni Stefano Mori
  • Binati ng dating aktor ang former ka-loveteam na si Camille Prats sa kaarawan nito

Maraming G-Mik fans ang kinilig sa pagpaparamdam ng dating child star na si Stefano Mori sa social media.

Sa pamamagitan ng isang IG post, binati ng dating aktor ang aktres na si Camille Prats sa kaarawan nito.

Si Camille ay nagdiwang ng kanyang ika-39th birthday noong June 20.

Makikita ang naturang pagbati sa Instagram account ng asawa ni Stefano na may handle name na victoria.deee. Sa naturang birthday greeting makikita ang dalawang throwback photos nina Camille at Stefano.

Sa caption nito mababasa naman ang mga katagang “Happy birthday Camille! Hope you have a good one-Borj.”

Marami ang natuwa sa mensaheng ito ni Stefano para kay Camille dahil kahit hindi umano sila nagkikita ng personal, naaalala pa rin nila ang isa’t isa.

Kung matatandaan, sa isang panayam sa aktres ilang taon na ang nakararaan, nanawagan pa ito na sana magpakita na si Stefano sa kanila na mga dati nitong kasama sa G-Mik.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading