Press "Enter" to skip to content

Ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco nagbigay nang opinyon sa pagkanta ni Stell SB19 ng ‘All By Myself”

  • Raquel Pempengco nagbigay ng opinyon hinggil sa performance ng SB19 member na si Stell
  • Umani ng sari-saring komento ang post na ito ng ina ni Jake Cyruz (Charice Pempengco)

Nagtrending ang performance ng SB19 member na si Stell Ajero sa concert ni David Foster sa Araneta Coliseum noong June 18, 2024.

Sa video na ibinahagi ni Stell Ajero, maririnig ang hiyawan ng mga tao sa concert dahil sa kamangha-manghang boses ng singer. Hindi naman ito maipagtataka dahil napakahusay ng pagkaka-awit niya ng kantang “All by Myself.”

Ayon kay Stell, ibinigay niya umano ang best niya para maging maganda ang kanyang performance dahil minsan lang dumating ang pagkakataon na makapagperform kasama ng sikat na Canadian record producer at film composer na si David Foster.

Napanood ito ng ina ni Jake Zyrus (Charice Pempengco) na si Raquel Pempengco. Ibinahagi niya ang nasabing viral video sa kanyang Facebook account. Sa caption nito, naglabas siya ng sariling opinyon hinggil sa performance ni Stell.

Aniya, magaling si Stell at mala-Jed Madela ang datingan, pero binanggit nito na hindi pa rin umano ito maiikukumpara kay Charice Pempengco.

Ayon sa ina ni Jake, “𝐆𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐝𝐢𝐧 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐨…𝐦𝐚𝐠 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐏𝐄𝐌𝐏𝐄𝐍𝐆𝐂𝐎 𝐤𝐚 𝐮𝐥𝐢𝐭…𝐡𝐚𝐡𝐚𝐡𝐡𝐚 𝐣𝐨𝐤𝐞 𝐥𝐚𝐧𝐠…𝐏𝐞𝐫𝐨 𝐢𝐧𝐟𝐚𝐢𝐫𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐢 𝐒𝐭𝐞𝐥𝐥 𝐀𝐣𝐞𝐫𝐨…𝐌𝐚𝐥𝐚  𝐉𝐞𝐝 𝐌𝐚𝐝𝐞𝐥𝐚 𝐝𝐢𝐧…𝐛𝐮𝐭 𝐬𝐭𝐢𝐥𝐥 𝐝𝐨𝐧𝐭 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐚𝐫𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐈𝐂𝐄. 𝐎𝐨𝐩𝐬 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐬𝐚𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚..𝐢𝐭𝐬 𝐦𝐲 𝐨𝐰𝐧 𝐨𝐩𝐢𝐧𝐢𝐨𝐧…𝐃𝐚𝐝𝐚𝐦𝐢 𝐧 𝐧𝐦𝐚𝐧 𝐛ᴀ𝐬𝐡𝐞𝐫 𝐤𝐨…𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞 𝐘𝐨𝐰!”

Tulad ng inaasahan ni Raquel, marami ang kaagad na pumuna sa kanyang komento.

Hindi naman po talaga pwede icompare kay charice kc lalake c stell 😂, magkaiba sila ng atake pero pareho silang magaling

Guys hindi nang babash si mommy raqz…ibig sabihin niya po both magaling don’t compare them…may kanya² silang strenght…lets support them”

I was a fan of Charice before, pero can’t deny the fact that Stell slay this one, pero sige, kwento mo ‘yan eh.”

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading