
- Elijah Canlas napagkamalan na miyembro ng LGBTQ
- In-adress ng aktor ang isyung ito sa panayam ni Ogie Diaz
Elijah Canlas nagpaunlak ng panayam kay Ogie Diaz noong June 16, 2024.
Sa nasabing panayam, ina-address ng aktor ang hinggil sa mga isyung isa siya sa mga aktor sa Pilipinas na pinaghihinalaan ang sekswalidad.
Matatandaan na may ginawang proyekto noon si Elijah kung saan kapareha niya rito ang aktor na si Kokoy de Santos. Ito ay pelikula na may pamagat na “Gameboys” na isang “Boy’s Love” o BL story.
Nilinaw ni Elijah kay Ogie Diaz na hindi siya kabilang sa “LGBTQ Community,” pero sinusupurtahan niya umano ang organisasyon at nauunawaan din umano ng aktor ang mga pinagdadanan nila.
“And they represent themselves kasi siyempre kahit ally ako, sinusuportahan ko ‘yung pakikibaka ng LGBTQ community at nauunawaan ko ‘yung struggle,” ayon kay Canlas.
Paliwanag pa ni Elijah, hindi daw muna siya ulit tatanggap ng role bilang isang bakla kung sakaling may mag- alok sa kanya.
“Nagsabi na ako na this maybe my last for a while kasi gusto ko ring mabigyan ng opportunity ‘yung iba pang Queer actors, marami akong kilalang queer actors as well na mahuhusay and I’d be proud enough na makakuha sila ng ganu’n klaseng trabaho,” ayon sa aktor.
Dagdag pa ni Elijah na minsan na daw itong napagkakamalang bakla pero alam naman daw niya sa sarili niya kung ano siya.
“Hanggang ngayon naman yata Mama Ogs napagkakamalan ako, pero (sabi ko), I’m fine, I guess it’s a compliment that people believe I’m gay or from the community, secure ako sa sarili ko,” sabi ni Elijah.





Be First to Comment