Press "Enter" to skip to content

Donnalyn sinagot ang basher nito ‘adopted isyu’

Photos: Donnalyn Bartolome IG
  • Donnalyn Bartolome binatikos dahil sa tila pagpapaawa umano nito sa isang vlog na may pamagat na “I’m Adopted”
  • Nagpaliwanag si Donnalyn hinggil rito upang ipagtanggol ang sarili

Kamakailan ay pinagdiwang ang “Father’s Day” kaya naisipan ni Donnalyn Bartolome na gumawa ng Father’s Day vlog para sa kanyang stepfather. Ang vlog na ito ay in-upload noong June 16, 2024 sa kanyang Youtube Channel.

Sa naturang vlog na pinamagatang “I’m Adopted,” sinabi ng celebrity na mahalagang bahagi ng kanyang buhay ang tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

Dito ay binanggit ni Donnalyn kung gaano nito pinapasalamatan ang kanyang amain kung saan ginampanan nito ang pagiging ama sa kanya simula pa noong siya ay bata pa.

Ayon sa aktres, labis ang pagpapahalaga at pagmamahal niya sa kanyang stepfather dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanya at itinuring bilang tunay na anak.

Tila hindi nagustuhan ng netizens ang ginawang title ni Donnalyn sa vlog na “adopted.” Ito ay dahil kasama niya naman umano ang tunay niyang ina.

Adopted daughter kalang ng stepdad mo. Dahil kasama mo pa rin totoong nanay mo. Hindi ka naman kaawa-awang ampon na walang magulang at hindi mahanap. Nag-ingay ka na naman ng walang katuturan. Pareho lang kayo nina Rosemar at Rendon, mga basurang content creators,” sabi ng isang basher.

Hindi naman ito pinalampas ni Donnalyn at kaagad na sinagot ang mga bumatikos sa kanya hinggil sa nasbaing vlog.

Narito ang buong pahayag ni Donnalyn.

“Hey, I’m sorry po if you misunderstood.. if hindi niyo po napanood.. hindi po ako nagpaawa, I actually did the opposite. Pinagmalaki ko po yung kabutihan ng adoptive parent ko. Hindi ko po alam bakit ako nacocompare sa “kaawa awang ampon” when I actually told people na napakalaking blessing ng pagiging ampon “a far greater love than I was meant to have” and proceeded to say na hindi ko na kailangang hanapin pa ang pagmamahal ng magulang na hindi yun kusang binigay saakin. Demonstration po yung video ng pagpapasalamat kahit ano pang nangyaring hindi magaganda sa buhay natin.. at the end of the day, once you’re done crying, kailangan natin maalala na maraming bagay na dapat pagpasalamatan.. and if you focus on that, you will live a happy life. So sorry if you found other content creators’ content walang katuturan.. pero kakantahan nalang kita.. “Di Lahat.. Di lahat ng.. maganda’y sasaktan ka lang” 🎶 jokes aside, I hope you heal from whatever you’re going through resulting you to project and say something unkind to another human being. Pero lahat tayo nagkakamali kaya naiintindihan kita. Don’t worry din po never ill-intentioned ang mga nagawa kong mali sa buhay ko. At lagi kong sinusubukan mag-improve at baguhin ano mang dapat baguhin. I genuinely wish you can consider doing the same and sana maging okay ka po whatever it is you’re going through” pagpapaliwanag ng aktres.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading