
- Elijah Canlas nagabahagi ng ilang personal na detalye hinggil sa kanyang buhay
- Inamin ng aktor ang hinggil sa dinanas na kalungkutan sa pagpanaw ng kapatid na si JM
- Ginusto niya umano noon na sundan ang kapatid
Nito lamang June 16, 2024 ay nagpaunlak ng panayam ang aktor na si Elijah Canlas sa Youtube Channel ni Ogie Diaz.
Si Elijah ay kasalukuyang napapanood sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo.
Kwento ni Elijah kay Ogie, bago siya napabilang sa cast ng nasabing serye regular na siyang nagpapatingin sa psychiatrist dahil sa masamang dinanas nang pumanaw ang kapatid na si JM noong nakaraang taon.
Halos buong pamilya nila ay nagpatingin umano sa psychiatrist.
Ayon sa aktor, masaya nang magkaroon ng regular na trabaho sa Batang Quiapo. Sa pamamagitan ng pagiging abala sa trabaho, nakakalimot umano siya sa mga pinagdaanang pagsubok.
“Hindi ko din alam kung anong isasagot ko ei,minsan sasabihin okey kaba,? okey..okey ako! pero alam ko din minsan na hindi ako okey, lalo na pag mag-isa nalang ako, sa kwarto ko, or pag nagdadrive ako, lalo na pag alam mong nakatengga ka, don parang biglang maalala ko na yong kapatid ko, yon bubuhas nalang bigla ang luha ko,” kwento ni Elijah .
Bunsod ng bigat na nararamdam, nabanggit ni Elijah na may pagkukulang din siya bilang kapatid. Nagkulang daw siya sa oras at atensyon sa yumaong kapatid na si JM dahil naging abala siya sa trabaho.
“Naka-focus ako sa pangarap ko, nakafocus ako sa pagtatrabaho, naka-focus ako sa pag provide, para sa pamilya ko,” wika ni Elijah.
Pag-amin ni Elijah kay Ogie, dumating din sa punto ng buhay niya na ninais niyang sumunod sa kapatid lalo na noong mga panahon na sariwa pa ang pangyayari. Ganun pa man, pilit niya itong pinaglalabanan.
“Ayoko na pagdaanan pa nang pamilya ko, or mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin, yon naramdaman kung nawala yong kapatid ko kaya laban lang, laban lang hindi naman ako sumusuko,” sambit pa ni Elijah.





Be First to Comment