Press "Enter" to skip to content

Rosmar Himingi ng sorry sa nangyari sa Coron Palawan

  • Rosmar Tan humingi ng tawad sa Coron at sa staff na nakaalitan
  • Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi ni Rosmar ang pagsisisi sa nagawa

June 13, 2024 nang magtungo sa Coron, Palawan ang Team Malakas na pinangununahan ni Rosmar Tan. Ito ay upang maghatid umano ng tulong sa mga tao roon.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng mainit na alitan sa pagitan ng staff ng municipality  at ng team ni Rosmar kasama si Rendon Labador.

Ang hidwaan ay nagsimula sa pagpost ng isa sa mga staff ng munisipyo na diumano ay hindi sila nabigyan ng kahit magkano ng team ni Rosmar sa kabila ng assistance na ibinigay ni habang naroon ng grupo.

Dahil dito nagkaroon ng mainit at maaanghang na salita ang bawat kampo na kaagad naman kumalat sa social media.

Bunsod nito, marami ang bumatikos sa mga pahayag na inilabas ni Rosmar kaugnay ng pangyayari. May isa pang pagkakataon na nanawagan ang celebrity sa Mayor ng Coron, Palawan na bigyan daw sana ng leksyon ang staff na nanira sa kanyang grupo.

Ngayon namang araw, June 16, 2024, muling naglabas ng pahayag si Rosmar sa pamamagitan ng kanyang Facebook account. Sa nasabing post, mababasa ang paghingi nito ng pasensya sa Coron at sa staff ng munisipyo.

Ayon kay Rosmar, “Sorry kung nagkaganun reaction ko sadyang kakapanganak ko lang nadala lang ng emosyon Wala naman kami ginusto kundi makatulong lang.”

Ang post na ito ni Rosmar ay umani ng sari-saring komento mula sa netizens.

“Ingat nalang po siguro mam Rosemarie Tan Pamulaklakin next time po. kahit my gawin kang maganda meron at meron padin silang masasabi hindi maganda para sayo.❤️”

“I still wish you all the best. 

Be safe always and thanks for helping other people. God bless”

“Ang tunay na tumutulong mababa ang kalooban. Hindi mapanakit sa kapwa. Nagkataon lang na sinuwerte kayo sa buhay pero it doesn’t mean na puwede ninyo tapakan ng husto ang kapwa ninyo pag nagkamali. Lahat ng biyaya na tinatamasa ninyo at ng sinuman galing sa Diyos kaya dapat huwag maging mapagmataas.”

“The Parable of the Unforgiving Servant is a well-known story told by Jesus in the Bible (Matthew 18:23-35). It goes like this:”

“A king forgave a servant who owed him a huge debt, but the servant refused to forgive a fellow servant who owed him a much smaller debt. When the king learned of this, he was displeased and said, “Should you not have had mercy on your fellow servant, just as I had mercy on you?”

“The parable teaches the importance of forgiveness and how it is essential to extend the same grace and mercy we receive from God to others. It highlights the inconsistency of seeking forgiveness from God while refusing to forgive others.”

“Huli na ang lahat,ginalit mo na mga taga Palawan,sa sunod kasi maging mahinahon sa lahat ng oras para nakakapag isip ng tama,tsaka wag mo patahulin aso mo di naman nakakatakot,nakakabwisit na nakakaasar e kala mo kung sinong walang kamatayan kung magsalita! 🤦”

“Asesss sorry sorry ka ngayon, pero yong nagawa mong damage sa Coron. Huwag na kayo bumalik kahit saan man sa Palawan! 🤮”

One Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading