
- Rosmar Tan pinaalis na ang homeless na si Angelo sa R Mansion Tagaytay Resort
- Ayon sa negosyante, nagdulot umano ng gulo si Angelo sa R Mansion, nakikipag-away sa mga katrabaho
- Muntik rin umano nitong masunog ang resort
Rosmar Tan pinaalis na ang homeless na kinukop sa R Mansion Tagaytay Resort.
Ang homeless na ito ay nakilalang si Kuya Angelo. kung matatandaan, nagtrending si kuya Angelo matapos mag-iiyak nang makatanggap ng Php10k mula kay Rosmar nang ang huli ay bumisita sa lokasyon ng Diwata Pares Overload.
Matapos magtrending, mas kinaawaan ito ni Rosmar kaya naman inalok na rin ito ng trabaho sa R Mansion Tagaytay Resort.
Makalipas ang ilang linggo, nabalitaan na sa online community na wala na si Angelo sa poder ni Rosmar. Ayon mismo kay Angelo, pinaalis na siya sa R Mansion Tagaytay Resort.
Kasunod nito ay naglabas na rin ng pahayag si Rosmar hinggil sa pangyayari.
Ayon sa negosyante, nakikipag-away umano itong si Angelo sa kanyang mga katrabaho. Muntik rin umanong masunog ang resort dahil sa kapabayaan ng naturang lalaki.
Narito ang buong pahayag ni Rosmar:
“Kaya pala chat ka ng chat at nagmamakaawa na pabalikin kita? paano kita pababalikin ng muntik mo sunugin ang R Mansion Tagaytay Resort na nagpatira sayo at nagpakain buti naapula agad? at ung mga lighter sa kwarto mo na walang ulo? naging mabait ako sayo hanggang sa huli never ko sinabi dahilan ng pag alis mo? Para protektahan ka hanggang sa huli. dahil galit ka sa mga katrabaho mo binato mo mga upuan ko dun pati na din ang cp na binigay ko sayo? at gumawa ka ng ibat ibang kwento? nag day off ka pero pag balik mo kakaiba kinikilos mo tapos nagwawala ka at nag iiyak sa resto. Tapos sabi ko sige tatanggapin kita at di kita aalisin pero mag pa D. test ka pero ayaw mo? sabi mo pa sige papaD.test ka pero pustahaaan kayo 50m ng asawa ko? ang lala
“Sayang chance na binigay ko sayo. nakakapag sisi. nakakadala. Sabi mo 5 yrs ago na last mong ganun kaya sabi ko pa nga sayo sige di naman ako judgemental basta wag mo na uulitin. Tapos sabi mo pa ung 10k na binigay ko e binigay mo sa anak mo un pala ginamit mo sa ano sabi ng gasolinahan na tinatambayan mo. Sabi mo pa nag Hotel ka ng 24hrs nung pagkakuha mo 10kyaw na binigay ko kaya na touch ako kasi grabe homeless ka kaya inexperience mo aircon at malambot na kama. Un pala kwentong barbero lang lahat. Di pala totoo ung naghotel, di din pala totoo ung sabi mo na criminology student ka. Grabe ang lala gumawa ng kwento 🥲💔
“Infairness napaniwala mo ako. Naka Police blotter na sya sa ginawa nya kaya di na sya makakapunta sa area. KUNG TUTUUSIN MAY POLICE na nung araw na yun tinatanong nalang ako kung PAPADAMPOT KITA pero mas pinili ko pa rin na hayaan kayo makaalis ni bubbly ng maayos
“Nung umalis ka kinabukasan nun dadalhin na sana motor mo mula sa SHFT International at papa pustisuhan na kita sa Urban Smiles Dental Clinic sinayang mo chances [heart broken emjoi].”





[…] Batid ng ina ni Rosmar ang mga isyung kinasangkutan nito na nag-ugat sa pagtulong. Kamakailan lang nagtrending ang celebrity dahil sa pagkupkop at pagbibigay niya ng trabaho sa homeless na si Kuya Angelo. […]