
- Senator Raffy Tulfo naiyak matapos marinig ang kwento ng isang Move It rider
- Ang naturang Move It rider ay nalagay sa alanganin matapos pagbintangan ng isang pasahero na holdaper
Noong June 6, 2024 umere sa Youtube Channel na “Raffy Tulfo in Action” ang reklamo ng isang Move it rider dahil napagbintangan itong holdaper.
Ang naturang Move It rider ay nakilalang si Vicente Young Jr.
Sa panayam ni Sen. Raffy, ibinahagi ni Vicente ang masaklap na sinapit matapos siyang ipost ng isang babaeng nagngangalang Jay Ann sa Facebook at pinagbindtangan na isang holdaper.
Si Jay Ann ay naging pasahero ni Vicente sa Move It.
Base sa kwento ni Jay Ann, nagpapick-up siya kay Vicente sa Tilus Araneta Cubao at magpapahatid sa Tilus Mckinley Makati ngunit hindi umano siya ibinaba dito kundi sa Pasay. Pinagbintangan niya rin si Vincente na isang holdaper.
Ang pahayag na ito ni Jay Ann ay mariing pinabulaanan ni Vicente.
Nakausap naman ni Raffy Tulfo ang manager ng Move It. Dito napag-alaman na walang ginawang mali si Vicente at ito ay inosente sa mga ibinintang ng naturang pasahero.
Sa huli humingi ng sorry si Jay Ann kay Vicente.
Samantala, naging emosyonal naman si Sir Raffy matapos marinig ang kwento ng buhay ni Vicente. Kaya naman bago natapos ang episode ng RTIA, naghandog ng tulong ang senador sa Move It rider. Isa sa mga ibinigay ni Sir Raffy ay isang bagong motor para magamit sa kanyang trabaho.





Be First to Comment