
- Dating direktor na si Ronaldo Carballo pinuna ang itsura ni Richard Gomez
- Nami-miss umano ni Carballo ang nag-iisang Adonis ng Pelikulang Pilipino
- Sana daw hindi na lang pumasok sa pulitika si Richard at nanatili na lamang sa pagiging aktor
June 9, 2024 – Pinuna ng dating direktor na si Ronaldo Carballo ang itsura ngayon ng dating matinee idol na si Richard Gomez.
Napatanong si Carballo kung bakit hindi man lang umano nagpagupit ng buhok si Richard. Sana daw hindi na lang ito pumasok sa pulitika at nanatili na lang bilang aktor. Kung hindi umano ito nag-politiko maaring aktibo pa rin ito ngayon sa TV at pelikula bilang leading man at magandang lalaki pa rin.
Namimiss umano ng dating direktor ang nag-iisang Adonis ng Pelikulang Pilipino.
Ayon mismo kay Carballo:
“Matagal ko na syang hindi nakikita.
“Ganito na ba talaga ang itsura ni Richard Gomez now at 58?
“Parang masyado naman nyang in-internalized ang kanyang pagiging Farmer at Pulitiko sa Probinsya.
“Hindi man lang makapagpa-haircut.
“Naku, kung hindi sana sya nag-Pulitiko, aktibo pa rin sana syang leading man sa TV at Pelikula at magandang lalaki pa rin sya hanggang ngayon.
“Nakaka-miss ang kaibigang aktor at nag-iisang Adonis ng Pelikulang Pilipino.”





Be First to Comment