Press "Enter" to skip to content

Nikko Natividad umalma sa panawagan ng ilang netizens na tanggalin siya sa FPJs Batang Quaipo

Photos: Nikko Natividad, Vice ganda IG
  • Nikko Natividad umalma sa mga netizens na gusto siyang ipatanggal sa FPJs Batang Quiapo
  • Ipinaliwanag rin ng aktor ang tunay na dahilan kung bakit niya binura ang kanyang statement hinggil sa isyu ng “Expecially For You” segament ng It’s Showtime

Sa pinakabagong post ni Nikko Natividad sa kanyang social media account, ibinahagi niya ang kanyang paliwanag kung bakit niya binura ang post kaugnay sa isyu ng Expecially For You.

Bukod rito, umalma rin ang aktor sa mga nabalitaang panawagan ng ilang netizens na siya ay ipinatatanggal sa FPJs Batang Quiapo.

Kung matatandaan, ipinagtanggol ni Nikko ang mga partcipant ng kontrobersyal na Expecially For You segment ng It’s Showtime dahil sa diumano’y pamamahiya ni Vice Ganda sa participant na si Axel.

Nagpasaring si Nikko kay Vice Ganda at ito ay naging ugat para siya ay i-bash ng mga tagahanga ng huli. Panawagan ng ilang mga netizens, dapat daw tanggalin na ni Coco Martin si Nikko sa FPJs Batang Quiapo.

Hindi naman lingid sa lahat na magkaibigan sina Coco at Vice.

Ayon mismo kay Nikko, “For the last time na magsasalita ako tungkol sa nakaraan kong post. Unang una sa lahat hindi ako nagsisisi na nagsalita ako ng sarili kong saloobin. Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao. Nababasa ko mga komento nyo saken at ang gusto nyo mawalan ako ng trabaho dahil lang sa naglabas ako ng sarili kong saloobin. (Na alam ko na posibleng mangyari)”

Saad pa niya, “Kung ikekwento ko ba pinagdaanan at iniyak ko sakanila magbabago ba tingin nyo sakin? Pero hindi naman yun ang intensyon ko na kumuha ng simpatya o makisali lang sa gulo. Naglabas ako ng saloobin ko dahil baka sakaling makatulong na may maayos o mabago na sitwasyon.”

Kasi ganun naman ang pamilya at kaibigan. Tatapikin ka kapag alam mong sumosobra o medyo nagkakamali na.Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban,” ayon pa kay Nikko.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading