Press "Enter" to skip to content

Gerald Anderson sinagot ang tanong hinggil sa paglagay sa tahimik – ang pag-aasawa

Photos: Gerald Anderson, Julia Barretto IG
  • Gerald Anderson sinagot ang tanong kung handa na nga ba siyang mag-asawa
  • Ayon sa aktor, lahat umano ng ginagawa niya ngayon ay para sa magiging future ng kanyang pamilya
  • Nagpahaging din ang aktor ng pahayag na tila malapit na umano mangyari ang paglagay niya sa tahimik

June 6, 2024 – Nakapanayam ni Miss Karen Davila ang sikat na aktor na si Gerald Anderson. Sa nasabing panayam, nagbahagi ng ilang mga personal na detalye ang aktor hinggil sa kanyang buhay at paglagay sa tahimik.

Kung mapapanood ang video, mapapansin na inilibot ni Gerald si Miss Karen sa kanyang bahay. Nagkwento ang aktor hinggil sa ilang kagamitan na naroon at isa sa mga ipinakita niya ay ang regalong natanggap niya mula sa girlfriend na si Julia Barretto noong nakaraang pasko.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, natanong ni Miss Karen si Gerald kung may balak na nga ba itong magkaroon ng misis para mag-asikaso ng kanyang tahanan.

Tanong ni Miss Karen kay Gerald, “So, ang tanong ko kailangan mo na ba talaga ng misis, to keep the house?”

Kaagad naman itong sinagot ni Gerald, at sinabing medyo malapit na itong mangyari [ang magkaroon siya ng misis].

Ayon sa aktor, “Well, actually Malapit na.. kailangan,..kailangan..siya yung mag ano ng households,..siya ‘yong magbabantay..hahaha..(malapit na sabi ni Karen)..malapit-lapit na, syempre 35 na po ako, mas malapit na don..no..no..(sabay tawa).”

“I’m closer, I’m closer to that.. kasi kung 5-3 years ago itatanong niyo sa akin, that’s why I’m doing all of this kasi syempre gusto ko maalagaan ang mga anak ko… na wala silang iisipin but ‘di sila pwedeng mag-spoiled kasi ‘di madali ang buhay.

“So ‘yun.. this so just uh… everything I do in life is leading up to you know yung aspeto na yun,” ayon pa sa aktor.

Pagbabahagi pa ni Gerald, magkasundo umano sila ni Julia. Sinusuportahan siya nito sa basketball, sa business niya, sa kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, at ganun din umano siya sa aktres.

“I always try to push her to be the best version of her life, we’re going through this journey together, highs and lows, but as long as together, I think it makes everything better,” dagdag pa ng aktor.

Panoorin ang buong panayam ni Miss Karen Davila kay Gerald Anderson.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading