Press "Enter" to skip to content

Maja Salvador naiyak matapos makita ang anak na si baby Maria

Photos: Rambo Nuñez
  • Maja Salvador naging emosyonal – naiyak nang makita ang anak nila ni Rambo Nuñez sa unang pagkakataon
  • Rambo Nuñez may nakakaantig na mensahe sa aktres

Isang nakakaantig na larawan ang ibinahagi ni Rambo Nuñez sa kanyang social media account.

Ngayong araw, June 2, nagbahagi si Rambo ng isang larawan kung saan makikita ang kanyang asawang si Maja Salvador at bagong silang nilang anak na si baby Maria.

Sa nasabing larawan makikita na nangingilid ang luha ng aktres habang karga si baby Maria. Ito ay kuha ilang segundo matapos niyang isilang ang panganay nila ni Rambo. Ito ang naging reaksyon ng aktres nang masilayan ang anak sa unang pagkakataon.

Sa caption ng larawan nilagyan ito ni Rambo ng mga katagang, “I never thought I could love you even more @maja [red heart emoji].” 

Dagdag pa niya, “Thank you so much for bringing Maria into our life [pink heart emoji].”

May 31, 2024 – Isinilang ni Maja ang panganay na anak nila ni Rambo na si Maria.

Sa post ng aktres sa kanyang social media account kahapon, ibinahagi niya ang isang nakakanatig na larawan kung saan makikita lamang ang mga paa ng anak habang hawak nilang mag-asawa.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading