
- Lolit Solis masayang ibinahagi na umabot sa Php2M ang natanggap na regalo noong kanyang kaarawan
- Nagpasalamat sa Php77k na ibinigay ni Kris Aquino
Ipinagdiwang ng sikat na talent manager na si Lolit Solis ang kanyang ika-77th na kaarawan noong nakaraang May 19, 2024.
Bumuhos ng pagbati ang kaarawan ni Manay Lolit mula sa mga naging alaga nito, mga kaibigan at mga malalaking kilalang artista sa industriya.
Ilan sa mga ito ay sina Paolo Contis, Benjie Paraz, Pauleen Luna, Tonton Guiterrez, Glydel Mercado, Christoper De Leon, Boy Abunda, at marami pang iba.
Kabilang din sa mga dumalo sa especial na kaarawan ni Manay Lolit ang ilan sa mga mayayaman nitong mga kaibigan na sina Alice Eduardo at Ms. Rhea Tan ng “Bioderm.”
Masayang nagbahagi ng memories ang ilan sa mga naging alaga nito tulad na lang ni Paolo Contis. Pabiro pang mensahe ng aktor sa kanyang manager, na simula umano noong mapunta siya sa pangangalaga ni Manay Lolit, nagkagulo-gulo na ang buhay niya.
Ayon naman kay Christopher de Leon, napakamapag-bigay umano ni Manay Lolit.
Bukod kina Paolo at Christopher nagbigay din ng speech si Benjie Paras at iba pang artista.
Ang isa pa sa mga nagpasaya at nagpagulat kay Manay Lolit ay nang makatanggap ito ng pera bilang regalo sa kanya.
Kwento pa ni Manay Lolit, isa sa mga columnist na naroon ay ng nagpadala ng perang handog mula mismo kay Kris Aquino. Halos mapaiyak daw siya dahil hindi niya inakala magbibigay pa ng regalo si Kris sa kabila ng dinaranas nitong sakit.
Ayon kay Lolit, nakatanggap siya ng Php77k mula kay Kris Aquino 77k dahil 77 years old na daw siya. Mula kay Christopher De Leon, nakatanggap naman siya ng halagang Php100k. Ang mag-asawang sina Tonton Guiterrez at Glydel Mercado ay nag-abot naman sa kanya ng Php60k, at marami pang iba.
Pabirong pahayag ni Manay Lolit, “Minsan naiisip ko, abuloy na ba nila sa akin ito, bakit ang dami naman nito.”





Be First to Comment