Press "Enter" to skip to content

James Reid naglabas saloobin hinggil sa hiwalayan nila ni Nadine Lustre sa pamamagitan ng isang awitin ‘Hurt Me Too’

  • James Reid naglabas ng saloobin sa hiwalayan nila ng dating nobya ng si Nadine Lustre
  • Sa pamamagitan ng awiting ‘Hurt Me Too’ mababatid ang naramdaman ni James noong kasagsagan ng hiwalayan nila ng aktres


Aktor na si James Reid naglabas ng saloobin hinggil sa paghihiwalay nila noon ng dating nobya na si Nadine Lustre.

Ito ay sa pamamagitan nang inilabas nitong awitin na may pamagat na “Hurt Me too” under Sony Music Entertainment.

Ang nasabing awitin ay isang ballad song na punong-puno ng emosyon tungkol sa heartbreak.

Narito ang ilang bahagi ng liriko:

“Guess it’s never really easy letting go. They can be a lifetime trying to find to right one but overnight we can say goodbye.” 

It was way too much and way too fast, I just needed space, and the wall they built around our love wouldn’t let us change.”

Ayon kay James Reid, sinulat niya umano ang kantang “Hurt me too” tatlong taon na ang nakalipas kasama si Seth Rege, isang artist sa LA.

Si Rege umano ang siyang tumulong sa aktor kung paano ilabas ang kanyang emosyon noong kasagsagan ng hiwalayan nila ng dating kasintahan. Nailabas umano niya ang nararamdaman habang ginagawa ang naturang awitin.

“He really helped me tap into these emotions that I didn’t even know I was feeling at that moment,” saad ng aktor.

Kung matatandaan, taong 2020 nang kumpirmahin ang paghihiwalay ng dating magkasintahan na si James Reid at Nadine Lustre. Ito ay matapos ang apat na taong pagiging magkasintahan.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading