
- Ernie Garcia na binansagan bilang “King of Bold Movies nagbahagi ng ilang personal na detalye hinggil sa kanyang buhay
- Ibinahagi ng aktor sa panayam ni Julius Babao na hindi niya kasama ang kanyang pamilya– hiwalay na sa asawa
- May ilang tao siyang kinupkop upang may makasama sa kanyang bahay
Si Ernie Garcia ay kilalang aktor noong dekada 70 at 80.
Nag- umpisa siya sa showbiz sa edad na 16 bilang mang-aawit. Kalaunan siya ay nakilala rin bilang aktor noong 70’s. Isa sa mga unang proyektong kanyang ginawa ay ang drama film na may pamagat “Aliw ng Buhay,” katambal si Gina Alajar.
Noong 1982 napasama si Ernie sa pelikulang “Virgin People.” Ito din ang nagbigay daan upang siya ay hirangin at bansagan bilang “Bold King of the Philippine Cinema.”
Kamakailan lang, binisita ni Julius Babao si Ernie sa tahanan nito upang ito ay kumustahin.
Sa pag-uusap ng dalawa, napansin ni Julius na tila napanatili ni Ernie ang pagiging makisig sa kabila ng nagdaang panahon. Ayon kay Ernie, ito daw ay dahil sa proper eating. Hindi umano siya kumakain ng pork o anumang meat. Wala umano siya bisyo tulad ng pag-inom ng alak.
Gayunpaman, ibinahagi din ng dating aktor na siya ay nagkaroon ng sakit sa prostate enlargement, pero mayroon naman siyang iniinom na gamot at vitamins para dito.
Kwento ni Ernie kay Julius, hiwalay na siya sa asawa. Mayroon siyang dalawang anak pero hindi niya kasama dahil nasa ibang bansa na naninirahan ang mga ito.
May mga kinupkop si Ernie para may makasama ito sa kanyang bahay. Ayon sa isang natulungan ng aktor, halos apat na taon na din silang naninirahan sa poder ni Ernie. Naibahagi rin nito na sadyang matulungin si Ernie sa mga nangangailangan. Bawat dumadaan na humihingi ng tulong ay tinutulungan umano ng aktor.
Napag-alaman na isa ring painter si Ernie. Pagbabahagi niya pa kay Julius, naisalba umano siya ng pagpipinta noong panahon ng pandemya.
Bago natapos ang panayam, nagbahagi si Ernie ng ilang mga salita tungkol sa landas na kanyang tinahak.
“Oh, I think I had a good life , I had made the right choices, and if there are regrets, is that… I wasn’t so lucky at I was not able to get it. Wala akong ginawang masama sa ibang tao para, I played my cards well kumbaga.” I’m conscious about my image, ‘yong maiiwan mong legacy… na hindi kapa gumawa ng napakagandang bagay na but some walang maibabato sa’yo, somehow, I guess, I’ve been a good person na ipagmamalaki ng parents ko,” ayon kay Ernie.
Mapapanood ang buong detalye sa video na ito.





Be First to Comment