
- Xian Lim may ilang nilinaw hinggil sa isyung hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu
- Una niyang in-address ang isyu na diumano nagpaluto muna siya ng steak sa aktres bago nakipaghiwalay
- Ayon kay Xian, fake news umano ang ganoong balita
- Hindi rin umano totoo na siya ang unang nakipaghiwalay
Xian Lim nilinaw ang ilang isyu hinggil sa hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu. Sinagot niya ang lahat ng mga lumabas na balita at tinukoy ang ilan na fake news.
Sa panayam ng Inquirer sa aktor, nagkaroon ng chance si Xian na ipagtanggol ang kanyang sarili mula sa mga pambabatikos.
Una niyang in-address ang isyu hinggil sa balitang nagpaluto umano siya ng steak sa dating nobya na si Kim bago nakipaghiwalay. Ayon kay Xian, wala itong katotohanan. Fake news umano ang balitang ito.
Hindi niya umano magagawa ang ganoong bagay. Sinabi rin ng aktor na hindi siya ang unang nakipaghiwalay, kundi ang aktres.
Ayon mismo sa aktor, “There’s no truth to it. It’s absurd. I don’t see where it’s coming from. Is it because people are using us for entertainment? I cannot orchestrate that. I wasn’t the one who initiated the breakup. All these fake news, all these dagdag-bawas, are just too much already.”
Sa kabila ng pahayag na ito ni Xian, tila hindi pa rin natatapos ang mga pamababatikos sa kanya. May ilan pa na nagsasabing pa-victim umano ito.
“Sabihin ng hindi ikaw nag initiate ng break up… eh kung nararamdaman at nakikita na ng partner mo na me nilalandi kang iba.. anu mananahimik na lang sya?!.. ikaw yung meron ng iba ikaw pa yung pavictim???”
“Hahaha he think this can boost his ego,ang babaw nyang tao,talak ng talak atleast c Gerald Anderson Mas kalaki pa kay sa kanya tahimik lang.”
“Manahimik kna xian Ang pangit mo pra mag-ingay ikaw na n ung nanloko feeling Ikaw p victim..thankful c khim kse npunta key Paulo now mas deserve nya c Paulo better than him.”





Be First to Comment