
- Kim Chiu usap-usapan ang naging sagot sa hamon ni Vice Ganda sa It’Showtime
- Binanggit rito ng aktres ang mga katagang “Sorry may mahal nakong iba”
Isa ngang napakasayang segment ang napanood ng mga netizens sa “Its Showtime” na naibahagi naman sa isang Youtube channel na “Chika Patrol.”
Tuwing tanghali ay mapapanood ang “Its Showtime” at isa ang segment na “Ex- pecially for You” ang laging inaabangan ng mga netizens.
Masaya kasi ang harutan at bagutan ng mga linya ng mga host sa nasabing segement na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Chiu, at Jhong Hilario.
Sa nasabing post, ibinahagi ang episode ng naturang segment na kuha noong May 18. Dito ay pinag-usapan ang topic na “Paano mo sasabihin sa partner mo na mayroon ka ng iba?”
Unang tinanong ni vice ay si Ion at sinagot naman ito ni Ion sa malungkot na paraan at sinabi ang katagang“Sorry may mahal na akong iba,” sabay sabi naman ni Vice na “ako yun.”
Masayang nagkatawanan ang mga hosts, at mga madlang pipol. Matapos nito ay bigla namang nabaling ni Vice ang tanong kay Kim.
Dito sa puntong ito nagsigawan ang mga viewers sa studio. Saad ni Vice kay Kim, “it’s time na para ikaw naman ang sumagot.” Tumawa si Kim at tila batid niya na inaabangan ang kanyang isasagot.
Ito marahil ay ‘fresh’ pa ang hiwalayan isyu nila ng dating kasintahan na si Xian Lim.
Tumatawa si Kim, pero wala itong kaabog-abog na ‘ipinagsigawan’ ang mga katagang “Sorry may mahal na akong iba” sabay tawa. Nagkatawanan naman ang kapwa niya hosts at ang madlang pipol.





Be First to Comment