Press "Enter" to skip to content

Jinkee Pacquiao ipinasilip ang mga kaganapan sa bonggang ika-75th birthday ni Mommy D

Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao IG
  • Isang masayang selebrasyon ang ginanap sa bakuran ng mga Pacquiao
  • Base sa bagong mga post ni Jinkee Pacquiao nagkaroon ng bonggang birthday party ang kanyang byenan na si Mommy D
  • Nagsama-sama ang buong pamilya Pacquiao
  • Naroon rin sa kaganapan ang dati nitong asawa na si Rosalio Pacquiao

Nagdiwang ng ika-75th birthday ang ina ni ‘Pacman’ Manny Pacquiao na si Mommy D. Isang bonggang selebrasyon ang ginanap kahapon, May 15, 2024.

Mismong ang maybahay ni Manny na si Jinkee ang nagbahagi ng ilang kaganapan sa nangyaring selebrasyon. Tila ito ay reunion ng kanilang pamilya dahil naroon din ang dating asawa ni Mommy D na si Rosalio Pacquiao, na ama ng magkakapatid na Pacquiao.

Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao

Sa nasabing larawan makikita rin sa tabi ni Mommy D ang bago nitong asawa na si Michael Yamson.

Ang kanilang pamilya ay maituturing na ‘modern family’ dahil sa kabila ng paghihiwalay ng dating mag-asawa, nagagawa nitong muling magsama para sa isang pagdiriwang.

Samantala, sa caption ng nasabing post, mababasa naman ang katagang, “Happy 75th birthday Mommy D. We love you!”

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading