
- Dennis Padilla nagbigay ng update hinggil sa petisyong inihain ng mga anak noon na tanggalin ang kanyang apelyido sa mga pangalan nito
- Ayon kay Dennis kumontra umano siya noon sa nasabing petisyon dahil menorde edad pa ang kanyang mga anak
- Ngayon umano ay malaya na nitong ituloy ang nais gawin dahil nasa wastong edad na para magdesisyon na nais nila sa buhay
- Kung gusto daw ng mga anak niya na palitan ang kanilang mga apelyido ay hahayaan niya na umano
Maalalang 10 years ago ay nag-file ng petition si Julia Barretto ang dalawa pang kapatid na sina Leon at Claudia. Ito ay upang tanggalin ang apelyido nilang Baldivia at maging legal na Barretto na apelyido ng kanilang ina na si Marjorie.
Kahapon, May 14,2024, nakapanayam ng press si Dennis hinggil sa isyung ito pagkatapos ng exhibitors preview ng pelikulang ‘When Magic Hurts’ na mapapanood na sa mga sinehan simula sa May 22.
“Ano napo ba ang balita sa petition ng inyong anak na si Julia?”
Pag-amin ng aktor, “Hindi ko alam ang naging decision ng judge, pero I think nung nagreklamo ako at kumontra ako when I was interviewed in Startalk, that was the first and last time that I talked about it.”
“Kaya ko naman pinaglaban noon dahil ‘yong mga bata noon was underage. Pero noong dumating na adult na sila… sinabi ko sa judge na wini-withdraw ko na ‘yong pagtutol ko kasi they’re on the right age… nasa tamang edad. Puwede na silang mag-decide on their own kung anong gusto nilang family name na gamitin,” ayon pa kay Dennis.
“Kung ano ang ginagamit nila sa legal documents ngayon hindi ko alam kung Barretto o Baldivia. Pero whether Barretto or Baldivia ang kanilang ginagamit, it’s fine. Happy na ako na alam nila na anak ko sila. Alam ng Diyos na ako ang tatay nila, ok na ‘yon,” dagdag niya pa.
Naitanong din Kay Dennis Padilla kung siya ba ay naipatawag ng korte noon?
“Actually, ‘yong discovery ko na nagpapalit sila ng apelyido was an accident,” wika pa ng aktor.
Ayon pa Kay Dennis, ayos lang umano ito dahil kahit ipaglaban daw niya ay wala nang panalo dahil si Julia ay nasa sapat na gulang na sa edad 27, at si Claudia ay 25 na, Si Leon ay nasa 21 taong gulang na din.
Tanggap na umano ng aktor kung anuman mang apelyido ang gamitin ng kanyang mga anak at ito ay nasa kanilang nang pagpapasya.
Hindi rin naiwasan na itanong sa aktor kung itong pagpapalit ng apelyido ng kanyang mga anak ay masakit para sa kanya.
“Oo that’s painful, tatay ako,” walang pag-aalinlangang sagot ng aktor.
Hindi na nga inalam ni Dennis Padilla kung ano pa ang naging desisyon ng korte noon. Samantala, ani pa ng aktor ay gustong-gusto na niyang makipag-ayos sa dati nitong asawa na si Marjorie Barreto.
Nagkaka-edad na umano siya at iniisip niya na mabilis lang ang buhay at minsan nakakaramdam na ang aktor ng sakit at minsan napapaisip ito na mas nais na lamang niya ng maayos na buhay at tahimik kaya nais niyang magkaayos sila ng dating asawa na si Marjorie.
Patuloy pa din at umaasa ang aktor sa dating asawa na maibalik kahit pagkakaibigan lamang nila dalawa. Ito ay kahit alam niyang walang balik o sagot. Ika ng aktor ay wala namang mawawala sa kanya at sa kanyang pagkalalaki niya sa paghiling ng ganitong bagay.
Tumulo ang luha ni Dennis sa paggunita nito sa mga nagawang kasalanan sa buhay niya. Aminado ang aktor na ang mga pangyayari sa buhay nito ngayon ay kabayaran sa lahat ng kasalanan nya. Ang nais lamang niya ay magkaroon ng sila ng komunikasyon.





Be First to Comment