Press "Enter" to skip to content

Moira Tanyag ng Abot-kamay na Pangarap Pumanaw na

Photo Courtesy: Abot Kamay na Pangarap
  • Trending ang episode mg seryeng Abot-kamay na Pangarap
  • Ito ay dahil sa pagpanaw ng kontrabidang si Moira Tanyag na ginagampanan ni Pinky Amador

Isa sa pinakapupolar na noontime drama ang “Abot-kamay na Pangarap” na pinagbibidahan nina Jillian Ward at ni Carmina Villaroel. Alam naman ng lahat na si Pinky Amador bilang “Moira Tanyag” ang mahigpit na kalaban at kontrabida sa buhay nina Analyn at Lyneth sa nasabing serye.

Nito lamang pinakabagong episode, napanood na muling naghasik ng kasamaan si Moira sa araw mismo ng kaarawan ni Analyn ngunit sila ay natunton din ng mga kapulisan.

Dahil sa pagmamahal ni Lyneth (Carmina) kay Analyn pinuntahan niya ito sa lugar kung saan naroon ang anak. Nagpang-abot sina Moira at Lyneth hanggang sa mahulog sa  bangin si Moira.

Sa pag kakaospital nito, hindi na nakayanan pa ni Moira hanggang sa ito ay tuluyan ng nawalan ng hininga.

Tanong ng Sambayanan, “Patay na nga ba si Moira?”

Maraming haka-haka ang mga netizens na baka ito ay muling mabubuhay pa.

Sa inyong opinyon at palagay,  Mabubuhay pa ba si Moira o Tuluyan na siyang Magpapaalam sa Programang inaabangan ng lahat? Ating subaybayan ang mga susunod na kabanata.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading