Press "Enter" to skip to content

Karla Estrada NAGSALITA na – Sinagot ang tanong kung kumusta na ang anak na si Daniel Padilla

Photo: Bernadette Sembrano YT
  • Sa isang bagong panayam ni Bernadette Sembrabo, tinanong ang aktres na si Karla Estrada hinggil sa anak na si Daniel Padilla
  • Batid ng aktres na patuloy pa rin pinag-uusapan ang kanyang anak saan mang sulok ng mundo kasunod ng breakup issue ng KathNiel
  • Hindi tuwiran ang pagsagot ni Karla sa naturang tanong hinggil sa kanyang anak pero tila mababatid na hindi pa okay ang aktor
  • Ganun pa man, sinabi nito na palagi niyang ipinagdarasal na maging maayos ang kanyang anak

May 11, 2024- Nakapanayam ni Bernadette Sembrano ang aktres na si Karla Estrada sa kanyang vlog sa Youtube. Napag-usapan dito ang hinggil sa personal na buhay ng aktres.

Isa sa mga napag-upasan sa nasabing panayam ay si Daniel Padilla na panganay na anak ni Karla. Malapit ang aktres kay Daniel kaya naman inaasahan ng marami na alam nito ang tunay na kalagayan ng anak matapos ang break-up ng KathNiel.

Tila batid ni Bernadette na marami ang nag-aabang sa magiging pahayag ni Karla kung kumusta na si Daniel sa ngayon. Kaya naman diretsahan niya na itong tinanong hinggil dito.

Tanong ni Bernandette kay Karla, “Si Daniel kumusta ngayon at kumusta ang nanay ni Daniel?”

Ayon kay Karla, “Yung anak ko, pinag-usapan naman ng buong daigdig ‘yan ano… and I always pray that he will be okay. But at the end of the day, ‘yong question na kamusta yung anak ko, kamusta si Daniel, si Daniel lang ang tanging makakasagot ng buo non.”

Ako as a mother I always pray for the best for my son, para sa mga anak ko… hindi lang kay Daniel. And I always pray na maging better sila. kapag dumadaan sila ng pagsubok, sana maganda ang lesson talaga,” ayon kay Karla.

“Kasi kailangan mong magkamali para may matutunan ka, para mas maging maayos ka, mas maging mabuti kang tao after that,” dagdag pa ng aktres.

Marami ang humanga sa mga sagot ni Karla.

“Nanay is nanay talaga kahit na ano’ng ibato mo na problema lalaban at lalaban yan lalo na pag anak nya ang binanatan”

Oo nmn salute u carla pagdating s pgging ina, ganun dn nmn ako kantiin mo lahat wag mga anak ko,.tama yan carla godbless u carla”

Tama yan momshie Karla deadma lang sa mga bashers na feeling mga perfect!!lahat naman tayo nagkakamali,hanga ako sa pagpapalaki mo sa mga anak mo!dito lang kami lagi full support kay Dj”

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading