Press "Enter" to skip to content

Xian Lim inutusan si Kim Chiu na ibulgar sa madla na may bago na siyang girlfriend? Totoo ba?

  • Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update naging topic ang ginawang pag-amin ni Xian Lim hinggil sa relasyon niya sa producer na si Iris Lee
  • Ayon kay Ogie, bago pa ang pag-amin ng aktor hinggil sa bagong karelasyon tumawag ito sa telepono ni Kim Chiu
  • Nagbigay umano si Xian ng pahintulot sa aktres na pwede na nitong sabihin sa madla na siya ay may bago ng nobya
  • Naloka umano si Kim, maging ang mga kaibigan nito sa inasal ni Xian
  • Ayon kay Ogie, binulong lamang sa kanya ang impormasyong ito at gusto niyang kumpirmahin nina Xian at Kim

Hot topic pa rin sa online community ang pag-amin ni Xian Lim na siya ay may bago nang karelasyon at ito ay walang iba kundi ang film producer na si Iris Lee.

Sa isang panayam, sinabi ni Xian na walang overlapping na nangyari sa relasyon ito. Hindi daw siya nagkaroon ng romantic relationship kanino man habang sila pa ni Kim Chiu.

Napag-usapan ang isyung ito sa Youtube channel ni Ogie Diaz. Ayon kay Ogie, may isang kaibigan si Kim na nagbahagi sa kanya ng isang impormasyon tungkol sa huling pag-uusap ng dating magkasintahan.

Nangyari umano ito bago pa ang pag-amin ni Xian hinggil sa bagong nobya. Ito ‘yong mga panahong lumalabas na ang mga larawan ni Iris Lee sa social media.

Ayon kay Ogie na base naman sa kaibigan ni Kim Chiu, tumawag daw si Xian kay Kim at tila nag-utos o maaaring ang dating ay nagbigay na pahintulot na maaari na nitong sabihin sa madla na siya ay may bago nang girlfriend.

Naloka umano si Kim sa inasal ni Xian. Hindi umano ito makapaniwala na siya pa ang kailangan magsabi sa madla hinggil sa bago nitong karelasyon.

Ayon kay Ogie, “Ito na nga, nakarating lang sa akin to ha… (sabi daw ni Xian) Kim puwede mo nang aminin ha, na meron na akong girlfriend…’ naloka daw si Kim Chiu.

Topic starts at 18:34.

Samantala, marami naman ang nagpabatid ng pagkaawa kay Kim matapos ang pagbubunyag na ito ni Ogie. Kung totoo umano itong nangyari, tila masyado yatang kinawawa ang aktres.

Kung totoo na ginawa yon ni Xian. masasabi ko lang na salbahe siya at walang respeto. Siya na nga ang nanakit ng damdamin di pa nakuntento at dinagdagan pa talaga ang sakit na ginawa niya. Nakaka P.i ang ganyang lalaki.”

“If that were true, XL is insane. No wonder Kimmy is overflowing with blessings now and she don’t deserve a creature like XL.”

Naku yang xian n yan d naman bagay Kay Kim. Ang Ganda at bait ni Kim tapos ganon lng ginawa Kay Kim. Xian, you deserve all the karma that comes with what you did to Kim. Kim CHIU deserves all the best.”

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading