Press "Enter" to skip to content

Daniel Padilla nagsalita na hinggil sa trending ‘Hinahanap-hanap Kita’ video

  • Nagsalita na ang aktor na si Daniel Padilla sa trending na video kung saan mapapanood siya na nagmura habang kumakanta
  • Sa isang panayam nilinaw ni DJ na nag-enjoy lamang daw siya sa kanyang performance
  • Masyado lamang daw OA ang mga tao at binigyan ito ng kulay

Mainit pa rin na topic sa online community ang pagmumura ni Daniel Padilla habang inaawit ang kantang “Hinahanap-hanap Kita” nitong nakaraang selebrasyon ng kanyang ika-29th birthday.

Kaagad itong binigyan ng kulay ng mga netizens at sinabing patama kay Kathryn ang naturang kanta. Naapektuhan daw ang aktor sa tambalang KathDen.

Sa pinakabagong panayam ni MJ Marfori, deretsahang natanong si Daniel hinggil rito.

Tanong ni MJ, “Yong viral mong kanta, anong reaction mo sa viral mong kanta?”

Kaagad naman itong sinagot ni DJ ng mga katagang, “OA ang mga tao, masyadong OA ang mga tao. Nag-eenjoy lang akong kumanta.”

Kung matatandaan, inanunsyo ng dating magkasintahan ang kanilang hiwalayan noon pang November 2023. Bagaman, pareho nila itong inamin sa madla tila hindi kaagad naka-move on si Daniel.

Nagkaroon pa ng mga bali-balita na ilang beses din itong sumubok na muling makipagbalikan kay Kathryn.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading