
- Mainit pa ring pinag-uusapan sa online community ang usapin hinggil ‘obligasyon nga ba ng anak ang kanilang mga magulang’
- Ang aktres na si Jolina Magdangal ay may sariling opinyon hinggil rito
- Sari-saring komento ang natanggap ng pahayag na ito ni Jolina mula sa mga netizens
Obligasyon nga ba ng mga anak na suportahan ang kanilang mga magulang sa pagtanda? Ito ang tanong na sinagot ni Jolina Magdangal sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update sa Youtube.
Ayon kay Jolina, malapit siya sa kanyang mga magulang at habang siya ay lumalaki, naramdaman niya na hindi niya kayang pabayaan ang sinuman sa kanyang pamilya kabilang na ang kanyang mga magulang.
“Ako kasi, parang very close ‘yong family namin. Ang pagkakaintindi kung noong lumalaki na ako na parang… hindi mo talaga papabayaan ‘pag pamilya mo. Talagang magtutulungan kayo, saka ‘yon yung kakampi mo na walang judgement.”
Ganun pa man, sinabi rin ni Jolina na may iba’t ibang pananaw ang mga tao hinggil sa isyung ito. May mga kakilala umano siya na mga kapwa ‘parents’ na hindi papayag na buhayin sila ng kanilang mga anak.
Ayon sa aktres, ‘yung tumatagal syempre marami kang makakakwentuhan… nasa Bible rin kasi na hindi kailangan. And may mga co-parents ako na nakakakwentuhan na ‘pag sa kanila naman daw… hindi rin sila papayag na ‘pag nagtatrabaho na (ang mga anak) eh kumbaga bubuhayin sila.”
“Ako tingin ko naman, depende na ‘yan sa closeness ng family. Kung may family na ‘yong anak at may sarili na siyang pera… at kung kailangan ng magulang mo ng tulong at mayroon ka namang extra bakit hindi ‘di ba? Pamilya mo ‘yon, dugo’t laman mo ‘yon,” dagdag pa ng aktres.
Ipinaliwanag rin ng aktres na kung halimbawa walang kakayahan ang anak na makapagbigay ng tulong dahil nag-uumpisa rin bumuo ng sariling pamilya at may binubuhay na mga anak, maari pa rin naman na magbigay ng tulong sa mga magulang at hindi tuluyang iwanan.
Jolina’s statement starts at 5:35.
Sari-saring komento ang natanggap ng pahayag na ito ni Jolina mula sa mga netizens.
“Depende sa pgpapalaki ng parents, kung toxic parents xmpre malayo loob ng mga anak pero kung minahal, inalagaan at ngsakrpsyo ang parents tatanaw ng utang na loob ang mga anak”
“Kung d natin tutulungan parents natin sino ang tutulong? Lumaki Kaming mahirap Nakita ko struggles Ng parents. Kaya nung binayayaan kami mag kakapatid ni God, lahat ng d naranasan ng parents namin binigay namin, napakasaya makita na masaya ang parents natin”
“Technically, and kahit based sa law, hindi po obligasyon ng mga anak na magsupport financially pero obligasyon natin MAHALIN ang mga magulang, and part ng pagmamahal ang pagbibigay.”
“Ang kultura kasi sa Pinas. Ang anak ko ang bubuhay sa amin. Which is mali. Kung magkakaroon ka ng Pamilya, obligasyon mong buhayin sila. At pag naging adult na at kaya nang magsarili, dapat na silang humiwalay at magtrabaho para sa sarili nila at the same time, mabawasan ang gastusin ng magulang at makapag ipon sila para sa retirement nila.”





Be First to Comment