Press "Enter" to skip to content

Daniel Padilla apektado pa rin sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo?! Napamura daw sa sakit!

  • Daniel Padilla apektado pa rin umano sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo
  • Ito ang hirit ng mga fans na nakapanood ng isang video ni Daniel kung saan napamura pa ang aktor habang kumakanta
  • Kuha ang nasabing video sa ika-29th birthday ng aktor na ginanap sa J Castle Amusement Park sa Tanauan, Batangas

Muling nagtrending ang aktor na si Daniel Padilla matapos kumalat ang isang video kung saan maririnig siya na nagmumura habang inaawit ang kantang “Hinahanap Hanap Kita” ng Rivermaya.

Sa nasabing awitin, mayroong parte rito na maririnig ang linyang “P*tangina may kapiling ka ng iba.” 

Hindi naiwasan na mabigyan ito ng kulay ng ilang netizens at sinabing tila pinaparinggan umano ng aktor ang dating kasintahan na si Kathryn Bernardo.

Sa ipinakitang ito ni Daniel, marami ang nagsasabi na tila apektado pa rin ito sa naging katapusan ng pagsasama nila ni Kathryn.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

Ayan mahirap eh. gagawa kayo Ng kasalanan ung binalik na ung sakit mas matindi pa”

Hirap ba? ganyan napapala ng mga hindi pinapahalagahan kung ano yung meron ka tapos kapag nawala tsaka mo lang marerealize kung gaano siya kahalaga!”

“the confirmation we didn’t know we needed, AHHHH MY KATHDEN HEART”

hahahaha, ok lang un nung Ikaw nga nung kau pa dame mong kapiling na ibah”

Kung lagi ka na lang pinapatawad, di na pagmamahal yun. Naubos mo na siya. She just want to regain herself back. And now, she’s happy again.”

Kung matatandaan, naging trending isyu ang hiwalayan nina Daniel at Kathryn noong November 2023. Hindi nagbigay ng anumang paliwanag ang dating magkasintahan hinggil sa tunay na dahilan ng kanilang breakup.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading