Press "Enter" to skip to content

Vanna Garcia shares bonding moment with Aiza Marquez in NYC

Source: Vanna Garcia Tiktok
  • Nagbonding ang dating teenstars na sina Vanna Garcia at Aiza Marquez
  • Nagkita ang dalawa sa New York kung saan kasalukuyang naninirahan si Aiza

Muling nagbonding ang dating mga teenstars na sina Vanna Garcia at Aiza Marquez. Ito ay matapos ang walong taon na hindi nila pagkikita simula pa noong 2016.

Isang Tiktok video ang ibinahagi ni Vanna sa kanyang mga followers. Dito ay mapapanood ang former teenstars na nagbo-bonding sa isang restaurant sa NYC kung saan kasalukuyang naninirahan si Aiza Marquez.

Sa caption ng video, mababasa ang mga katagang “Reunited with my Ate @Aiza Marquez hist brings back so much memories from our #tgis days!” 

@vanna_garcia22

Reunited with my Ate @Aiza Marquez hist brings back so much memories from our #tgis days! #nyc #thankgoditssabado #tgisbarkada #90skids

♬ original sound – Mr.EPerez – Ethon Perez

Sina Vanna at Aiza ay nagkasama sa ilang mga shows noong kanilang kapanahunan bilang mga teenstars. Isa sa mga pinagsamahan nilang proyekyo ay ang youth oriented show na T.G.I.S. kung saan nakasama rin nila noon ang sikat na aktres na si Anne Curtis.

Kung matatandaan, huling nagkaroon ng renunion ang TGIS cast noon pang 2016. Ang nasabing reunion ay ginanap dahil umuwi ng Pilipinas si Aiza mula sa USA.

Ayon kay Chubi Del Rosario, hindi man daw sila nagkikitang madalas ng dating mga kasamahan sa show naroon pa rin umano ang closeness nila at nanatili silang magkaibigan.

You know what’s so amazing is that kahit we don’t talk naman as in everyday talaga, pero nu’ng nagkita kami nu’ng time na ‘yon, it’s not like a day went by. It’s like we were just picking up were left off, ayon kay Chubi.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading