Press "Enter" to skip to content

Vilma Santos ibinida ang dance showdown ng mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto

Source: Vilma Santos IG
  • Isang nakakatuwang video ang ibinahagi ni Vilma Santos sa kanyang mga followers sa Instagram
  • Sa video mapapanood ang kanyang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto na sumasayaw
  • Kuha ang nasabing video sa birthday celebration ni Luis Manzano

Nagbahagi ng pinakabagong update sa social media ang Star for All Season na si Vilma Santos ngayong araw, April 28.

Isang maikling video ang inupload ni Ate Vi sa kanyang Instagram account kung saan mapapanood ang kanyang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto na sumasayaw sa saliw ng tugtuging ‘Dying Inside to Hold You.’

Sa caption ng nasabing post, mababasa ang mga katagang “The greatest joy in my life.”

Kuha umano ito sa naging pagdiriwang nila sa ika-43rd birthday ng panganay niyang anak na si Luis. Ilang mga celebrities rin ang namataan sa selebrasyong ito kabilang na mga ninong ni Luis na sina Roderick Paulate at Tirso Cruz III.

Ang post na ito ay umani ng maraming reaksyon mula sa mga netizens. Ayon sa ilan, sweet umano na mag-kuya sina Luis at Ryan.

Narito ang ilang mga komento mula sa mga netizens.

Sweet ng mag kuya.”

“Ms Vilma si very blessed with her sons, a beautiful daughter in law, cutie pie granddaughter and a good husband…. God bless you always and your family.”

Magaling si Ryan kumanta at sumayaw ah! Si Lucky nman sa hosting at comedy. Kababait png mga bata.”

Ang cute ng magkuya tingnan, close at sweet Silang magkapatid.”

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading